Chapter 3 - Seatmates

189 19 5
                                    

Rui's POV

Goodmorning Friday!!!!!!!!!

Haysst. Ang bilis talaga ng araw. Parang nung sunday lang excited na kaming pumasok nina Jacob, Drake, Rev, Miguel, Tristan at Louis tapos ngayon friday na limang araw na kaming pumapasok. Ang bilis talaga ng mga araw lalo na kapag masaya ka, hindi mo na napapansin na lumilipas din pala ang oras at mga araw.

Kumilos na agad ako ng mabilis at kumain na para maaga akong makapasok dahil friday ngayon at naka pe. Tsaka excited na ako magrecess at maglunch at magmiryenda.

Food is life

Napangiti na lang ako sa nasabi ko sa isip ko takaw ko talaga buti nalang ang sexy ko parin. Lalo na yung six pack abs ko. diyan naglalaway yung mga babae sa school. Yes bata pa kami, pero nung bakasyon wala kaming magawang pito kaya nageexercise nalang kami halos araw araw, paminsan minsan sumasama si Lia pero madalas nasisira lang ang exercise namin kasi mag aaya siyang kumain pagkatapos

'6:30am palang, eh 7:30 pa ang klase namin. Ang aga ko talaga'

"Goodmorning Girls!!" bati ko sa mga babaeng nagkukumpulan sa may pinto. Namula naman ang mga pisngi nila at nagtata-talon pa habang binabati ako pabalik. Nginitian ko nalang sila, yung ngiting kinahuhumalingan ng mga chicks. Nyesi!

Umupo agad ako sa upuan ko at nag ayos ng ilang gamit na kinuha ko sa locker, mukhang maaga pa talaga kaya wala pa sina Rev. Hayynaku, late bloomers yung anim na yun noh.

Sa aming walo si miguel, louis at tristan lang ang nasa section B. Magkakasama naman silang tatlo, okay narin.

Habang nag aantay ako ay nagbasa muna ako ng mga lessons para advanced habang magsasoundtrip.

'That's what you call MULTI-TASKING*wink'

Mga 10 minuto na akong nagbabasa ng naisipan kong pumunta muna sa canteen para humanap ng makakain. Takaw na kung takaw eh ano magagawa ko kung nilalandi ako ng pagkain.

Naglakad na ako palabas ng room ng may ulong tumama sa may balikat  ko. Yung muscles ko pinitik o!

Tiningnan ko naman kung sino yung bumangga sakin, Hinawakan ko yung baba niya at iniharap yung mukha niya sakin,

Si Lia lang pala

"Di ko sinasadya. Una nako-" pinigilan ko naman yung sinabi niya.

"Bakit ang putla mo? Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya "Tara! Samahan mo ako sa canteen. Ililibre kita" aya ko sa kanya

"Aba? Miracle, Rui! Wag nalang---"

"Ano ba? tara na" hindi na siya nakapalag nung hilahin ko na ang kamay niya.

"Teka, teka ka lang!" pigil niya sa akin habang naglalakad pero malakas ako "Bababa ko lang yung bag ko, ang bigat eh!" dala pa pala niya yung bag niya.

Kaso ayoko ng maghintay pa dahil lagpas na kami ng center stairs, at ayoko din namang bumalik pa, kaya kinuha ko yung bag niya at isinabit sa likod ko at hinila siya ulit.

"Bakit kasi hindi mo nalang ako pabalikin?! Ha, Prince Rui Montesanna!" ang lakas talaga ng boses nitong babaeng ito. "Hoy! Prince Rui Montesanna!!!!!!! Nahihilo ako, ikaw nalang pumunta sa canteen" sabi niya kaya napatigil naman ako. Namumutla nga siya. "Rui---" pinaikutan ko siya ng mata at tinitigan sa mata

First Love Never Dies (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon