Rui's POV
"Rui, gising na anak." sabi sa akin ni mama habang ginigising ako. Wala ba siyang naaalala? Today's my special day!
"Goodmorning mama!" masiglang bati ko kay mama. Baka naman mamaya pa niya ako babatiin. Walang pwedeng sumira sa araw ko.
Lumabas na si mama sa kwarto, pero kinindatan pa ako bago lumabas. Naks! Ang ganda talaga ng mama ko. Kaya mahal ko yan eh.
"Mama ang ganda mo talaga!" sigaw ko kay mama nung lumabas siya ng pinto. Bumalik siya at sumilip sa pinto at ngumiti sa akin.
"Mana ka sa akin anak, gwapo ka nga lang hihihi" sabi ni mama at lumabas na ulit sa kwarto. Yan ang gusto ko kay mama eh. Masyadong honest, sa sobrang honest niya. Araw-araw na niya akong sinasabihan ng katotohanan, katotohanan na ang gwapo ko
5:30am na sa orasan sa kwarto ko. Makaligo na nga at ng maaga akong makapasok.
Matapos ang sampung minuto ay tapos na akong maligo kaya't agad akong nagbihis para maka kain na ako. Pagkain... Pagkain... Pagkain... Pagkain... At pagkain ulit. Ngayon ko lang ulit nakasabay si ate kumain, daig pa kasi neto si dora, laging wala nasa galaan.
"Happy birthday pare" sabi ni ate habang kumakain kami kaya natawa naman ako, "dinig ko hindi ka binati ni mama, sabi ni lola malas daw pag walang bumati sayo kaya kita binati" mapamahiin si ate, kay lola kasi siya lumaki
Lumabas na agad ako ng kwarto at lumapit na kay mama na naghahain ng pagkain sa mesa, syempre, alangan naman sa sahig. Tsk tsk.
Hawak ko na naman ang wallet ko at nilamanan na ni mama. Basta ngayon, ay masaya lang ako. Oo masaya lang, hindi pwedeng malungkot.
"Mama, sa pad po ako uuwi ha. Baka intayin mo ako" paalam ko kay mama. At lumabas na sa bahay. Nagpa hatid ako sa driver namin. Mahirap na baka mahuli ako, buti sina Drake at Rev, kahit ganon ay hindi nahuhuli. Magaling tumakas e.
Sa pad nila mama at papa ako uuwi, dun sila nakatira bago sila nag pakasal. Dun din gawa si ate sabi ni mama🤣
Pagkarating ko sa school ay bumaba ako ng naka-ngiti, naglakad ako ng naka-ngiti, huminga ako ng naka-ngiti, at gumagalaw ako ng naka-ngiti.
'Tama yan, Rui'ng gwapo. Ngiti lang, ikakagwapo mo yan haha'
Napatawa nalang ako sa naisip ko.
Pagkarating ko sa school nakangiting bumaba ako sa kotse at nakangiting nagpasalamat pa kay Manong... Manong ano nga bang pangalan nito... Ahh basta si manong-hindi-ko-tanda-ang-pangalan-niya. Bago kasi ang driver namin. 2 months palang. Nah, basta bumaba ako ng nakangiti, naglakad ako ng nakangiti, huminga ng nakangiti, kumurap ng nakangiti, bumati ako ng nakangiti, mabubuhay ako ng nakangiti sa araw na ito.
Pagpasok ko sa room ay nakangiti pa rin ako at umupo ng nakangiti. Masyado pang maaga kung kaya't lima palang kaming tao dito. Wala pa kahit isa sa mga kaibigan ko ang nandito. Tsaka bakit walang bumabati sa akin?...
Hmm hayaan na sila baka naman si Lia bumati sa akin. Nung January pa ako nanghihingi ng regalo dito sa best friend kong ito. Gusto ko kahit ano basta galing sa puso. Natawa naman ako ng maalala ko ang isinagot sa akin ng bruhang 'yon.
***
"Hoy! Lia, ayus na sa birthday ko ang kahit ano basta galing sa puso. Ha."
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies (On-Hold)
Novela JuvenilAksha Talitha Grey, a 14 year old independent girl, who flew from Texas to her parent's hometown the philippines to go after her best friend Ofelia Charmaine . They didn't lose their connections, but still they had a hard time maintaining their clos...