♡ CHAPTER: TEN ♡

2K 41 0
                                    

A/N: Another character love story muna tayo. iba namang love team. haha! Penga (Pahinga) muna tayo sa KURTNIKA LOVE TEAM.

Jealous

♡ JACOB'S POINT OF VIEW ♡

Isang linggo na ang nakakalipas magmula noong mag graduation at hindi ko pa rin nakakausap si laira hanggang ngayon. sa mga nagdaan din araw magmula nung sabihin ni laira na lalayuan na niya ako. walang araw na hindi ko siya inisip o naalala.

Aaminin ko miss ko na ang bestfriend ko... Miss ko na siya.

Miss ko na yung mga bonding, kulitan, harutan at asaran naming dalawa ni laira. parang ko na din siyang kapatid, eh... pero ang hindi ko lang mapaliwanag ay bakit ngayon ko lang narealize na siya lang yung nakakapag pangiti sa akin ng sobra? bakit siya lang yung nagpapagaan ng loob ko tuwing may family problem ako at higit sa lahat.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya para akong lumulutang kasabay ng malakas na pagkabog at mabilis naman na pagtibok ng puso ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nagmumokmok ako ngayon dito at nagulat na lang ako ng biglang bumukas ng malakas yung pintuan ng room ko.

"'No ba dude? maninira ka ba ng pinto ng may pinto?" reklamo ko sakaniya sabay talikod at nagtalukbong ako ng kumot.

"Get up." utos niya pa sa akin at sino siya para utusan ako? "I said get up. dude naman wala ka bang ibang alam na gagawin ngayong bakasyon kung 'di magmumok na lang ng magmukmok dito sa loob ng kwarto mo. nagaalala na rin sina tita sa'yo sa baba." sabi niya at napabangon na ako.

"Wala namang silang paki alam sa akin. lalo ng yung magaling kong nanay. mas pinapaniwalaan niya pa nga yung gagong bago niyang asawa." sabi ko pa.

"Hindi mo pa rin ba tanggap si tito? kung hindi naman siya naging asawa ng mama mo hindi naman kayo mapapadpad dito sa maynila at hindi tayo magkakakilala nina vince dahil hindi ka naman sa TEEN STAR magaaral kung nagkataon." sabi pa ni kurth. napaisip naman ako sa sinabi niya pero nainis din ako.

"Kahit na!" sabi ko pa sabay tingin sa labas ng bintana ng kwarto ko.

"Okay fine. if hindi mo gusto si tito. edi fine. edi okay but.. get up and you'll follow me." sabi niya at napakamot na lang ako sa likod ng ulo ko at saka na tumayo sa kama ko at nagdiretsiyong pumunta sa C.R. ng room ko. wala na akong magagawa kundi sumama sakaniya. ayoko din namang maburo ako dito, noh.

♡♡♡

"Sino bang hinihintay natin dito? bakit tayo nandito?" tanong ko kay kurth habang nakatayo kami dito sa may mga paradahan ng bike. at napalingon lingon pa ako.

"Wait ka lang d'yan dude. parating na din daw sila." huh? daw? sinong daw?

"BABE!" Sigaw ng isang babae at nang mapalingon ako sa right ko. nakita ko roon si annika habang hila hila niya si joyce at biglang naman akong napalipat ng tingin sa likuran niya... Pagtingin ko sa likuran nila annika at joyce ay hindi ko alam pero parang may tumusok at unti unting dinudurog ang puso ko ngayon.

THE EXIES [TEENFICTION || COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon