♡ Is this a new beginning? ♡
♡ ANNIKA'S POINT OF VIEW ♡
Gabi na at nagsusuklay lang ako ng buhok ng may biglang kumatok. "Annika, anak? gising ka pa ba? kung gising ka pa may sulat na dumating para sa'yo!" Sabi ni papa sa labas ng pintuan ng kwarto ko habang kumakatok siya sa pintuan.
"Po?!" Sagot ko naman saka ako nagmamadaling tumayo at naglakad papunta sa may pinto para pagbuksan si papa. "Bakit po, papa? ano po yu'n?" tanong ko.
"Ahh buti gising ka pa kasi may dumating na sulat sa'yo kani-kanina lang." sabi ni papa sabay abot sa akin ng sobre.
"Ahh sige po. thanks pa." sabi ko at itinaas ko yung sobre at sumenyas na ako na papasok na ako sa loob at tumango na lang siya saka ko na sinara yung pinto at umalis na din naman si papa.
Pagkasara ko ng pinto 'agad akong bumalik sa kama ko para duon basahin yung sulat. nakita ko naman kaagad sa likod nung sobre yung address namin at pangalan ko kaya para sa akin at dito talaga 'tong sulat na 'to bago ko na iyon binuksan.
Pagbukas ko palang nung sobre at pagkuha ko palang noon ay 'agad na bumungad sa akin ang isang plain na plain na papel at nakatupi ito ng tatlo para magkasiya ito sa loob ng sobre nito. at habang unti unti ko iyong kinukuha sa loob ng sobre at binuksan na ito ay parang may kung ano akong naramdaman.
parang biglang bumigat ang pakiramdam ng puso ko at sumisikip ito at parang may lungkot ding bumabalot sa akin ngayon. bakit ganito? bakit ganito ang nararamdaman ko..? bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon at parang maiiyak na ako?
Huminga na lang ako ng malalim para kahit papaano ay mapigilan ko ang nangingilid ko na ngayong luha at mabawasan ng kahit na kaunti ang nararamdaman kong bigat at kalungukutan na bumabalot na ngayon sa akin at sa puso ko. bago ko na dahan dahan at tuluyan ko ng binuklat yung sobre saka binasa na iyon.
♡ DEAR, ANNIKA ♡
"Annika.. sorry, ha kung hindi na ako nakapag paalam pa sa'yo ng personal at hindi ko na 'to masasabi pa ng personal sa'yo pero kasi biglaan, eh. may biglaang emergency kasi ang nangyari sa bahay kaya kinailangan ko ng mauna nang umuwi ng taiwan kasi tumawag kasi sa akin si mama na bigla daw inatake si papa ng heart attack niya kaya nasa ospital ngayon si mama at nakaconpine ngayon si papa sa ospital at walang nagaasikaso sa company namin kaya pinauwi na niya ako para ako na muna ang mamahala sa kumpanya ng pamilya namin. at kahit medyo masakit pa para sa akin na hindi ako ang pinili mo gusto ko pa ring malaman mo na mahal na mahal kita at nandito lang ako para sa'yo. wala akong pinagsisisihan at hindi rin kita sinisisi na hindi ako ang minahal o ang pinili mo sa huling pagkakataon pero masaya ako dahil kahit na alam mong masasaktan ako hindi mo pa rin nilihim sa akin at hindi mo ako pinaniwala na ako ang mahal mo dahil alam mong mas masasaktan ako kung paniniwalain mo ako sa hindi naman totoo para lang hindi ako masaktan at hanggang sa huli ang hangad ko lang para sa'yo at sakaniya na maging kayo pa rin hanggang huli at maging masaya kayo sa piling ng isa't isa at lalo ka na hangad ko lang ang kaligayahan mo para sa'yo mahal kong annika o mahal kong pangit... pinapalaya na kita... bestfriend. my childhood friend.."
♡ FROM: YOUR GAVIN IMPAKTO <333 ♡
♡TO: MY ANNIKA PANGIT WAHAHA! ♡Ughh! huhu!T_T 'Di ko alam pero umiiyak na pala ako at panay din ang singhot ko dahil sobra akong natouch sa sinabi niya kahit kailan talaga nand'yan pa rin siya para sa akin not as my lover kundi as my still and forever bestfriend.
![](https://img.wattpad.com/cover/130349901-288-k951049.jpg)
BINABASA MO ANG
THE EXIES [TEENFICTION || COMPLETE]
Teen FictionPaano kung kailan masaya ka na at may mahal ka ng iba at kung kailan nakamove on ka na sakaniya at sa mga pananakit niya sa'yo noon ay saka naman siya babalik at sasabihing mahal ka pa niya sa kabila ng lahat ng pananakit na naramdaman at naranasan...