♡ CHAPTER: SIXTEEN ♡

1.4K 22 0
                                    

♡ Rejection ♡

♡ THIRD PERSON'S POINT OF VIEW ♡

Nang matauhan at bumalik na si annika sa katinuan ay duon niya lang pinunasan ang mga luha niya na walang awat na bumabagsak mula sa mata niya at saka na ito tumakbo papaalis sa tapat ng kotse ni kurth at sa kinatatayuan niya kanina at ng tumakbo siya ay nakita siya at napatingin sakaniya si kurth pero nakaalis na ito at bumitaw na din naman si jhessica sa pagkakahalik niya kay kurth na tulala at nagtataka ang mukha.

"What? what's wrong? hon?" Tanong ni jhessica habang hawak hawak ang mukha ni kurth.

"Nothing. let's go? let's go home. lola is waiting us for a family dinner lalo pa at malapit na ang kasal natin at saka nand'ya-d'yan din ang parents mo kaya dapat maaga tayong umuwi ngayon kaya let's go na." Nakangiting sabi ni kurth kay jhessica habang hawak hawak nito ang kamay ni jhessica na nakapulupot sa balikat niya pero halata mo namang napipilitan lang siya sa kung anong ginagawa niya at ang ngiti niya. tumango na lang naman si jhessica saka na pinaandar ni kurth ang kotse niya at umalis na.

Samantalang kasabay ng pagalis nina kurth sa tapat ng school at paghinto ni annika sa may park ang malakas naman na buhos ng ulan na parang dinadamay nito ang sakit na nararamdaman ni annika.

Maya maya pa naramdaman na lang ni annika na parang hindi na siya nababasa ng ulan oero rinig na rinig niya pa rin ang patuloy at mas paglakas pa ng ulan kaya napangat ito ng tingin.

"Bakit ka nagpapakabasa sa gitna ng ulan? ano bang ginagawa mo dito? gusto mo bang magkasakit?" inis pero nagalala ding tanong niya.

"Gusto kong mapagisa. bakit ka ba nandito? hindi kita kailangan dito at saka ano bang paki mo? ano bang paki alam mo sa akin? gusto ko ng mamatay para matapos na 'tong sakit na nararamdaman ko." umiiyak na sabi ni annika saka niya pinukpok pupok ang dibdib niya. "Ang sakit sakit na. ayoko na..."

"Annika.. ang pagpapakamatay ay hindi sulusyon sa problema ng tao. ang pagpapakamatay ay hindi sulusyon sa kahit anong mang problema mo. pero... iisa lang ang alam kong pwedeng makatulong sa'yo at yu'n ay ang may makausap at mapagsasabihan mo ng problemang dinadala mo ngayon. at gusto ko lang na malaman mong handa akong makinig sa'yo at sa problema mo. nandito lang ako para sa'yo. at alam kong baka hindi ko na siya mapantayan o mapalitan pa ulit d'yan sa puso mo dahil siya ang taong umalalay sa'yo sa mga panahong hindi na kita nabalikan at alam kong mahal at mas minamahal mo na siya ngayon kaysa sa akin dahil siya ang taong laging nand'yan para sa'yo sa mga panahon noon na nasaaaktan ka dahil iniwan kita ng walang paalam pero annika... pwede ba akong humiling sa'yo?" tanong nito habang yakap yakap na si annika at pareho na silang basang basa ngayon ng ulan.

"A-ano yu'n...?" Tanong din ni annika.

"Gusto kong malaman mo na mula noon hanggang ngayon. ikaw at ikaw lang. ikaw at ikaw pa rin dito sa puso ko at ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. bago ako sumama sa'yo dito sa pinas nakipag break na ako kay samantha dahil disisdido na ako. kung papayag ka? kung papayaga kang ligawan ulit kita? pwede ba kitang ligawan ulit, annika...? makipag date ka sa akin. magdate tayo o liligawan kita sa loob ng isang buwan at kung matapos ang isang buwan na 'yon... at hindi mo pa din ako mahal ulit at siya pa rin ang mahal mo at hindi ko pa din siya napantayan o napalitan man lang ulit d'yan sa puso mo. sige. sige malaya ka na. malayang malaya ka na. malaya ka ng siya ang piliin at mahalin mo at gusto ko pagpinakawalan kita.... ipaglalaban mo siya kahit hindi ka niya ipinaglalaban, ha? naiintindihan mo?" Tanong niya kay annika habang hawak hawak ang mukha nito at napatango na lang si annika saka ulit nito niyakap si annika.

THE EXIES [TEENFICTION || COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon