♡ VinYce Love Team ♡
♡ JOYCE'S POINT OF VIEW ♡
♡ FEBRUARY 14, 2019 ♡
February Fourteen, Thousand Nineteen na ang date at araw ngayon at valentines day na ngayon at nagpahinga lang ako pagkahatid sa akin ni icell kanina dito sa may bording house namin saka na ako nagready para sa date namin mamaya. niyaya niya kasi akong magdate, eh at pare-pereho kaming tatlo nina laira at annika na may lakad at date ngayong gabi kaya sabay sabay na kaming nagready.
Maya maya habang naghihintay kaming tatlo dito sa labas sunod sunod na may tatlong kotse ang dumating at tumigil sa tapat namin at saka bumusina at sabay sabay na nagbaba ng windshield ng kotse nila at sabay sabay na nagsabi ng..
"Sakay na." habang nakadungaw sa bintana ng kotse nila. gosh! Three handsome boys for three beautiful girls. sa'n ka pa, diba? wahaha!
Sabay sabay naman silang bumaba para akayin at ihatid at alalayan kami papunta at pasakay sa mga kotse nila. oh, diba! tigi-tigisa kami ng mga prince charming. hiwalay hiwalay pa ng kalesa. yu'n nga lang hindi kalesa yung sa amin ngayong tatlo kasi morden na at kotse na ngayon. at yu'n nga lang. ako not official pa, samantalang sila road to forever na yung love life. lalo na 'tong sina laira at jacob kinabog si nica at kurth, eh sa lakas maka-Fiancè at husband and wifeue ng taon, eh tinalo pa yung talagang totoong magFiancè pati lahat ng magasawa sa mundo. kinabog pero charing lang! pero ako 'eto still hoping.. pa din.
Hoping na siya na nga. Kahit pa naging parang third party ang naging dating ko sa pagitan nina bethanney at icell nang mga nakaraan. sana. sana siya na.
"Tara na." Sabi niya ng makalapit na siya sa akin at tumango na lang ako saka na niya ako hinawakan sa likod ng bewang ko at inalalayan na niya ako papunta sa kotse niya. "Ang ganda mo... joyce. i love you." bulong niya sa tenga ko saka na niya ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse niya sa may tapat passenger seat sa tabi ng driver seat sa loob ng kotse.
naistatwa naman ako dahil sa gulat ko sa sinabi o binulong niya kanina sa tenga ko. "Sige na. pasok ka na. sakay na." sabi niya pa ulit dahilan para matauhan ako at bumalik na sa katinuan ko saka na ako nagmadaling pumasok para kahit papaano ay maitatago ko pa sakaniya ang kilig ay este ang pamumula pala ng mukha ko at ang init ng mukha ko dahil sa sinabi niya.
Buong byahe, hindi ako makatingin ng diretsiyo sa mata at mukha niya pagkinakausap niya ako at nauutal utal pa ako dahil pakiramdam ko ay namumula at ang init pa rin ng mukha ko. gosh! at sa tinagal tagal na din naman naming magkasamang dalawa ni icell ngayon lang ako nakaramdam ng kaba at first time ko palang marinig sakaniya ang salitang 'yon na talagang nagpakaba sa akin.
Ngayon niya palang sinabi sa akin ang salitang "I Love you.."
"Oh! Bakit napatulala ka d'yan sa gwapo kong mukha. don't tell.. you love me or.. you fall inlove with me already." hindi naman patanong na sabi niya at parang siguradong sigurado pa nga siya sa sinabi niya na naiinlove na daw ako sakaniya. 'di, noh! saka nagsmirk pa siya at kinindatan niya pa ako kaya napaiwas na lang ako ng tingin pero maya maya din naman ay nagawa ko ng makapag tanong sakaniya.
"Ahh icell.. bakit mo nga pala sinabi sa akin ang bagay na 'yon." Mabilis pero mahinang sabi ko sakaniya habang nakatungo at hindi makatingin sakaniya ng diretsiyo dahil sa namumula ko ng mukha ngayon dahil sa kahihiyan.

BINABASA MO ANG
THE EXIES [TEENFICTION || COMPLETE]
JugendliteraturPaano kung kailan masaya ka na at may mahal ka ng iba at kung kailan nakamove on ka na sakaniya at sa mga pananakit niya sa'yo noon ay saka naman siya babalik at sasabihing mahal ka pa niya sa kabila ng lahat ng pananakit na naramdaman at naranasan...