♡ Epilogue ♡
♡ BEFORE WEDDING ♡
♡ DING... DONG!! ♡
March Twenty nine, Thousand Nineteen (March 29, 2019), ng umaga ngayon at ang date ngayon. at Bago kami ikasal ni kurth bukas ay nagdisisyon at napagdisisyonan ko na muna na pumunta ako dito sa dati naming bahay at puntahan siya para makita siya at makipagayos at magkaayos man lang kami bago ako ikasal kay kurth bukas. hindi na ako nagpasama pa kay kurth dahil ang sabi nina mommy kathie ay bawal daw kaming magkita bago kami ikasal at saka sinabi ko na rin naman sakaniya ito at na problema lang namin 'tong dalawa ni papa kaya kailangan kaming dalawa lang ang kailangan makapagusap at para maayos ang kusot na 'to sa pagitan naming dalawa ni papa.
At kahit na kinakabahan akong makita siya at lalo na si mona ay nandito at nakatayo pa rin ako ngayon sa tapat ng gate ng dati naming bahay habang nagdo-doorbell. at nakakatatlong pindot palang ako ng doorbell ng may magbukas na.
"Wait lang! sandali! sandali lang...!" Narinig ko na ang boses niya na mas lalong nagpatindi ng kaba ko. at naaninag ko siya na patakbong pumunta sa may tapat ng gate para pagbuksan ako ng gate at pagkakita niya palang sa akin ay 'agad niya akong maiyak iyak na niyakap.
"Kamusta ka na anak? miss na miss na kita, alam mo ba 'yon? Ang tagal mong nawala at ang tagal din kitang hinanap. Ang tagal kitang hindi na kita. alam mo bang sobra mo akong pinagalala. sobra mong pinagalala si papa? okay ka lang ba, anak?" Sobrang nagalala at sunod sunod na tanong ni papa.
"Okay lang po ako papa. kayo po kamusta na po kayo. miss na miss ko na din po kayo. sorry po kung sobra ko kayong pinagalala... ayoko lang naman po kasi talagang ibenta at ipadimolish niyo po itong bahay at lupa kaya po naglayas ako para mapigilan kayo sa pagalis." Mangiyak ngiyak na sabi ko pa.
"Shh.. tahan na anak. i'm so sorry for all i've done to you and to your mother. i'm so sorry if i'm not being a good father to you and a good husband to your mother but don't worry... napagdisisyonan ko na ilipat na lang sa pangalan mo itong bahay dahil baka kasi hindi ka sumama sa amin ng tita mona mo sa Taiwan. kahit man lang duon o dito ay makabawi at maibigay ko ang titolo ng bahay sa iyo."
"Siya nga po pala, pa. may gusto nga po pala akong personal na sabihin sa inyo at ibigay sa inyo." Sabi ko saka kinuha sa shoulder bag ko yung invitation sa kasal namin ni kurth bukas.
"Ano iyon anak?" Tanong ni papa.
"Ito nga po pala, pa." Sabi ko sakaniya saka iniabot at ibinigay ko sakaniya yung invitation sa kasal namin ni kurth bukas.
"Ano ito?" Tanong pa ni papa "Invitation? para saan?" Tanong niya pa ulit saka niya na binuksan yung invitation at saka tiningnan at binasa iyon.
Tumango ako bago magsalita. "Opo papa. Invitation po 'yan para po sa kasal namin ni kurth at bukas na po 'yon gaganapin. sana po makapunta kayo.. gusto ko po sana kayo ang maghatid sa akin papunta sa altar." Umiiyak na sabi ko. at tumingin siya sa akin saka ngumiti.
"Masaya ako. masaya ako para sa iyo, anak. masaya ako para sa inyo ni kurth. masaya ako dahil kayo na ulit at sa wakas ay ikakasal na kayo. aaminin ko na nagalit ako kay kurth sa pang iiwan at pang loloko niya sa iyo. pero... naisip ko na, na wala naman akong karapatan para husgahan siya sa ginawa niyang pananakit sa iyo dahil ginawa ko rin naman iyon sa iyong ina at humihingi ako ng tawad dahil sa bagay na iyon at na sana ay mapatawad mo pa ako dahil duon. at napagisip isip ko rin na maiiwan kita rito sa philipinas dahil ayaw at hindi ka naman sasama sa aming dalawa ni mona papunta sa taiwan. tapos na naman kayo sa pagaaral. kaya siguro ay panahon na rin para bumuo ka ng sarili mong pamilya kasama siya, anak. kaya... sopportado ako sa disisyon niyo na magpakasal." Sabi ni papa.

BINABASA MO ANG
THE EXIES [TEENFICTION || COMPLETE]
Teen FictionPaano kung kailan masaya ka na at may mahal ka ng iba at kung kailan nakamove on ka na sakaniya at sa mga pananakit niya sa'yo noon ay saka naman siya babalik at sasabihing mahal ka pa niya sa kabila ng lahat ng pananakit na naramdaman at naranasan...