♡ Come Back. Part Two. ♡
♡ ANNIKA'S POINT OF VIEW ♡
♡ ONE WEEK AGO ♡
Isang linggo na ang nakakalipas magmula ng makipag break sa akin si kurth. bakit? bakit kailangan pang maging ganito? bakit kailangan pang umabot dito? sa gan'to?
Hindi ko pa rin matanggap na wala na naman kami ng lalaking mahal ko kaya 'eto nandito na naman ako ngayon sa favorite place ko. sa bar kung saan magpapakalasing ako ngayong gabi para kahit isang saglit lang makalimot ako kasi hindi naman 'agad agad mawawala ang sakit, diba? bwisit naman kasing buhay 'to oo. bakit lagi na lang akong iniiwan?
Ala una na ako nakauwi. "At sa'n ka naman galing? alam mo bang pinilit ko pang matulog ang tatay mo para hindi siya mapuyat sa kaka'intay sa'yo." Tss! bwisit! kakadating ko lang uumpisahan na naman niya ba 'ko?
"Sino ka ba ha? sino ka ba sa buhay namin para muramurahin mo 'ko at pagsabihan ng gan'yan?! nanay ba kita?! diba, hindi naman? kaya wala ka sa karapatan para question-in ako sa kung anong gusto kong gawin!" sigaw ko sakaniya.
"Ako nagtitimpi lang sa'yo, ha. para sabihin ko sa'yo susunod ka sa akin at sa papa mo kung ayaw mo mapalayas ka dito sa bahay na 'to dahil simula ngayon, ay mali simula ng maging kami ng tatay mo at mamatay ang mama mo. ako na ang bago mo mama! naiintindihan mo ba, ha?!" sigaw niya saka hinila yung tenga ko habang sapo sapo niya yung t'yan na medyo malaki na.
"Bitawan mo nga 'ko." sabi ko at buti at natulak ko siya palayo. "Ah." Napaaray naman siya.
"Nababagay lang 'yan sa'yo. napakamas'yado ka kasing feeling, eh. kahit kailan hindi kita magiging nanay. naiintindihan mo!" sigaw ko pa ulit sakaniya saka na ako tumakbo sa kwarto ko at saka duon umiyak ng umiyak.
Wala na nga si mama. iniwan pa 'ko ng taong mahal ko... peste!
♡ KINABUKASAN ♡
Alas sais palang pero may katok na ng katok sa pintuan ng kwarto ko.
"Annika! Gising na! hinihintay ka na ng papa mo sa baba." Sabi niya habang kumakatok pero hindi ko pa rin siya pinapansin. kahit kailan hinding hindi ko siya matatanggap.
"Ayoko sa'yo. gusto ko si mama. gusto ko si 'nay esmeralda. dati naman hindi mo 'ko ginigising, ah. kaya wag kang magfeeling nanay ko!" sigaw ko at ibinato ko sa pinto yung unan saka nagtalukbo at narinig ko namang sinipa niya yung pintuan ng kwarto saka ko na naramdaman ang yabag niya paalis sa tapat ng pintuan.
Tanghali na ako bumaba dahil tiniis ko talaga ang gutom ko at ipinagdadalsal kong wala siya sa kusina o kahit sa salas.
"Kumain ka na. may natira pang pritong dumpilas d'yan. 'yan lang yung naluto ko dahil walang laman ang ref at wala ding mamamalengke dahil wala si manang tirisita dahil pinag day off ko muna siya baka mahawaan pa 'ko ng ubo niya. mahirap na. buntis pa naman ako."
"WHAT? Pakakainin mo 'ko ng pritong dumpilas?!" sigaw ko.
"Oo. anong masama? 'yan nga ang inulam namin ng papa mo kanina, eh." sabi niya pa at napahinga na lang ako sa hangin saka pumunta sa kusina. tinry ko na buksan at kainin yung dumpilas pero yuck! ng tikman ko. shet lang! ang pait at ang alat. ano ba naman 'to?
BINABASA MO ANG
THE EXIES [TEENFICTION || COMPLETE]
Teen FictionPaano kung kailan masaya ka na at may mahal ka ng iba at kung kailan nakamove on ka na sakaniya at sa mga pananakit niya sa'yo noon ay saka naman siya babalik at sasabihing mahal ka pa niya sa kabila ng lahat ng pananakit na naramdaman at naranasan...