Chapter 2

231 3 0
                                    

^pressured si Mam^^

^^parang may namumuong love triangle^^

^^Let's find out^^

votes and comments

=============

Mga 1 week narin ang nakalipas simula nung party ni Tin. Nandito ako ngayon sa harap ni Liza. Nagkukuwento siya tungkol sa kanila ni Chris. Palagi daw kasi silang nag tetext at kinukuwento pa nga niya kung gaano ka sweet si Chris.

"Alam mo friend! Palagay ko may gusto sa kin yun, Piga-in mo nga baka umamin sayo".

"Ayy! Nako Liza! Wag mo na akong isali dyan, wala akong ka talent-talent sa mga ganyan".

"Sige na naman friend, Para naman alam ko kung may pag asa ako, pluuuuuuesssssssssse?".

"Nako naman Liza, Ano naman man ang matutulong ko dyan?".

"Sympre..Friend mo si Tin..at si Tin boyfriend niya si Llyod..si Llyod naman friend si Chris.. di bah your all connected so?..matutulungan mo ako... sige naman friend..kahit e set up mo lang kami ng isang date,,,pero dapat si Chris ang mag-aaya.. sige na".

"Ito ha!? Susubukan ko..pero hindi ako nangagako".

"Yes! Thankkkkk you .... Ng marami my friend...mwaaah...

Ano ba tong napasukan ko, paano ko naman e-ririto si Liza kay Chris ehh.. hindi nga kami close nun...nako naman ohh...

Wala akong pasok ngayon at nandito kami sa bahay ni Tin. Nasa balcony ako at nag-iisip nang pwedeng gawin para mapalapit silang dalawa. Pupunta ngayon si liza para daw makapagusap kami tungkol kay Chris.

"Hi jess!".

"Ohh? Andyan ka napala, kala ko ba mamaya ka pa darating?".

"Parang may feeling akong pupunta si Chris ngayon ehh, I trust my instinct so much, kaya pumunta ako nang maaga".

"hahaha, grabe na yan girl, in love ka na agad dun?".

At umupo siya tabi ko at inilapag ang mga gamit niya sa may table. Nagsimula na siyang magkwento tungkol sa mga text ni Chris. Nagtatanong daw nang mga personal questions at kinikilig daw siya pag-ganun magtanong ang mga lalake sa kanya.

"Feeling ko talaga girl, gusto ako nun".

"Siguro?".

"ohh, ano nah? walang bang development dyan?".

"Ni hindi nga pumupunta yun dito, paano magkakadevelopment".

At dahil narindi na ako sa kaka-Chris niya, nag-aya akong magmeryenda sa ibaba.

"Hi guys!".

Nagulat ako kasi nandito sila Llyod at kasama pa si Chris.

Bumulong si Liza sa akin " Kitams girl, destiny talaga kami". At nag heart shape na yun mga mata niya.

"Anong meron at napadpad kayo dito, may dala pa kayong mga pagkain". Tanong ni Kath.

"Si Chris kasi nag-ayang pumunta at gusto daw niyang mang blow-out".sagot ni Llyod.

"Bah!! galante?". Tukso ni tin.

"Di naman, masayang lang ako". Sagot ni Chris, sabay tingin sa gawi namin ni Liza.

Ano bayan? Parang hindi ko na kailangan umeffort, parang gusto naman niya si Liza.

"Lika na! langtakan na natin yang dala niyo". Sabi ni Tin.

Hidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon