At dahil sa likes mo! dedicate ko tong chapter na toh para sayo :)
=======================================
as promised!! party party na! Will see how this moment goes for Jess and Chris
enjoy <3
(Jess's POV)
Grabe! nangangatog na yung mga tuhod ko at parang pinapawisan ako ng di oras eehh! ang lamig lamig naman ng ambiance.
"Good evening Jess". sabi ni Chris
"Oy, kamusta?".
"You look gorgeous tonight as always, sinabihan ako ni Tin na wala ka daw makausap, kaya naman nagpresenta agad ako, to be your date tonight".
Hummmmmayyyyygaddddddd!!! LORD? Anong klaseng torture ba toh?
"Ha? Ahh ehh ok lang! sanay naman akong walang kausap". tumatawang sabi ko.
"Di mabuti yan at baka mapanis yang laway mo, halika at humanap tayo ng mauupuan".
Hinawakan niya ang kamay ko at naghanap na kami ng mauupuan.
"Kamusta ka na pa la?". biglang tanong niya pagkaupo namin
"Mabuti, ikaw?".
"Hindi mabuti".
"Huh? Bakit naman?".
"Kasi kinakausap mo ako pero di mo naman ako tinitignan".
"Di lang talaga ako sanay tumitig sa lalaki".
"Pero? Na miss mo ba ako?".
"Hindi! Ba't naman kita mamimiss ehh hindi naman tayo close".
"Ba't ako namiss kita". (sapakin ko kaya tong si Chris? deristahin mo na ako kung gusto mong magpatulong kay Liza~ said to myself).
"Bolero! Pero I'm sure na miss mo rin si Liza noh?".
"Hahaha! Oo naman".
"Kaya nga! Sabihan mo lang ako kung gusto mong magpatulong sa akin na mapasagot si Liza! 101 % ang support ko sa loveteam niyo ( unahan na kita, parang paduduguin mo pa ang puso ko bago mo e reveal na gusto mo LIza).
"Buti naman kung ganun".
At natigil lang kami sa conversation namin nang magsimula na ang program. Kinantahan namin ang birthday celebrant at greetings from the family members. Nang ina-nounce na nila na pwedeng ng kumain ay agad na kaming tumayo since malapit lang kami sa buffet table. Ang nangyari ehh, si Chris ang humawak ng mga plano at kinukuha ko nalang yung approval niya kung gusto niyang magpalagay nung putahe. Susulitin ko nalang ang bawat minuto na kasama ko siya tutal wala naman si LIza dito, wala akong pangingimihan. Matapos naming kumuha ng pangkain ay bumalik na kami sa table namin.
"wow ang dami pala nitong nakuha natin".
"Di bale pag di mo naubos yan, ako ang sensetensya sa mga tira mo".
Ngitian ko lang siya at nagsimula na kami sa pagkain.
"Natikman mo ba tong pasta nila? ang creamy-creamy". at makakaangal ba ako since tinapat niya na sa bibig ko.
"Wow ang sarap naman niyan, ehh itong barbeque ribs nila ohh tikman mo". at sinubo ko sa kanya yung piraso nung barbeque ribs.
"wow ang sarap.. ang sarap pala pag maganda ang nagsusubo sayo".
"natawa naman ako, akala ko sa pagkain ka nasarapan".
"Kaya nga isunod mo na yan apple pie".
"Nakakahalata na ako ha?".
BINABASA MO ANG
Hidden Desire
Teen FictionThe more you hide yours feelings for someone. The more you fall for them #marishuA!! #votesAndComment