Chapter 4

143 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa harap ni Liza at kinukuwento niya ang mga pangyayari sa kanila kahapon ni Chris. Na sobrang gentleman daw ni CHris! na bawat may mga daanan sila na matarik ay inaalalayan siya nito. Nakakarindi nato ha? Malapit ng sumabog ang eardrums ko.

"Hoy Jess! nakikinig ka ba?".

"Ahh!? ha? Oo naman!"

"Basta! I think! I'm inlove with him".

Bumalik na si Liza kasi naman tapos na ang Lunch break nila. Ako naman lumabas na at nag-aantay ng masasakyan. Kaya lang parang nagutom ata ako sa pakikinig sa kanya. May fast food naman pala sa kabilang kalye at tumawid na ako para doon nalang kumain.

Pumila na ako sa counter at siguro mag chi-chicken nalang ako at spaghetti.

"Ahhm Miss, isang chicken nga po at spaghetti and coke for the drinks".

Inulit niya yung inorder ko at 150 daw ang babayaran ko. Biglang may humawak sa kamay ko at binaba ang bayad ko.

"Ako na ang magbabayad miss, paki add din ng burger steaK".

Laking gulat ko ng makita si Chris.

" Ayy di na oi! Di miss! ito po yung akin".

"I insist!". sabi niya.

Ayoko na nga makipag-away nakakatunaw ang mga titig niya. At umupo sa bakanteng chair sa may aircon.

"Thank you nga pala dito ha?".

"sus, wala yan! pa treat ko na din yan kasi masaya ako ngayon".

"oh? May nangyari?".

"Oo".

"Ano naman?".

"Sekret".

Parang bading toh? may pa secret-secret pa. Hay ewan ko sa kanya! kung ayaw niyang magkuwento. If I know pinuntahan niya si Liza at siguro masaya siya kasi nagkamoment na naman sila! Tsk!

"Oh ba't parang ang tahimik mo?".

"tahimik ako pag kumakain".

"Ohh ba't ang taray mo bigla".

"Ako mataray? saan banda? para nga akong angel sa bait" at ang lagay ay tumawa lang siya pagkasabi ko nun. Di ko talaga siya magets? ba't parang ang sweet niya sa akin? o assuming lang ako? baka naman nagpapalakas lang to sa akin para siguro magpatulong sa pangliligaw kay Liza.

"Kailangan ko na palang umuwi, Sige alis na ako".

"hatid na kita?".

"Bakit mo ko ihahatid? Marunong naman akong umuwi?".

"May nagawa ba ako at biglang sumama yata ang ihip ng hangin?".

"Wala naman! pero kailangan ko na talagang umuwi, sige! thank you dito".

At hindi ko na inantay yung reply niya at dali-dali na akong lumabas. Buti na lang at may dumaan na taxi at dali-dali akong sumakay. Nakitang tumatakbong lumabas si Chris at parang may hinahanap. Bahala siya! Ayokong bigyan ng dahilan ang puso ko na ibigin siya kung sa bandang huli ako naman ang kawawa.

sa bahay ni Christine....

Christine's POV

"Psst! Psst! Jess! Jess?".

Ano ba naman tong si Jess? Parang tulala ata?

"Psst! Psst! JEsssssssssssss".

"Ano ba? Hindi mo naman kailangang sumigaw".

"hindi ka kasi nakikinig! kanina pa kita tinatawag!'

"sorry naman! may iniisip lang".

"Ano naman yun? or let me rephrase the question? Sino naman yang iniisip mo? Si Chris?".

Hidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon