Jess's POV
Tahimik kung pinagmamasdan ang mga ilaw sa labas ng sasakyan. Sa hindi malamang dahilan nasaktan ako sa mga pangyayari kanina. The way he ignored me at yung princess treatment niya kay Liza. Iniisip ko pa lang yun noon napakasakit na, what more ngayon na nangyayari na?
"Ohh ba't ang tahimik mo? Kanina mo pa ako di kinakausap ahh?".tanong ni Chris.
Tinitigan ko lang siya at hindi ko napigilan pang mapaluha.
Biglang itinigil niya ang sasakyan at pilit akong tinatanong kung ano ba ang ang nangyari. Hindi ko siya masagot na NASASAKTAN AKO DAHIL SAYO.
"Oyy? Anong nangyari? May masakit ba sayo? May naalala ka ba? May nagawa ba ako?".
At sarap sabihing Sana ako na lang ang minahal mo at nang hindi ako nagkakaganito ngayon.
Dahil ayaw kung sumagot sa kahit anong itinanong ni Chris ay pinaharurot niya ang sasakyan at napadpad kami sa isang park malapit sa dagat. Bumababa siya pero I choose to stay on the car. Nakita kung umupo siya sa buhangin at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Hindi na ako nag inarte at handa na ako umaamin sa feelings ko at kahit na anong maging resulta ay tatanggapin ko at kahit na masakit man ito. Pagka upo ko ay....
"May nagawa ba ako?".
Umiling ako...
"Sabihin mo naman sa akin kung anong nangyayari? Nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak".
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak ulit sa sinabi niya.
"May pagtatapat ako sayo Jess".
Aamin na ba siya? Ito na ba yun? Sasabihin na ba niya na Jess tulungan mo naman akong mapasagot si Liza? Pwess Uunahan ko na siya.
"Wait! Wag mo nang ituloy! May sasabihin lang ako".
At ano pa nga ba ang reaction niya? Di sympre shock ang loko! Sukat ba namang hindi ako magsalita ng ilang oras? exagg! mga few minutes lang! well
"Umiiyak ako kanina kasi naka received ako ng text na namatay yung paborito kung pusa".
"Weeh?".
"Adik ka pala ehh, yun talaga at kung gusto mong magpatulong kay Liza ay 101 % ang support ko na mapasagot mo siya".
"Talaga? Mabuti naman kung ganun".
"talagang talaga! Kung gusto mo e set up ko kayo ng date pero dapat di na ako kasama para naman magkamoment na kayo".
At ngiti lang itinugon niya. Hindi ko malaman sa reaksyon niya kung natutuwa ba siya na tutulungan ko siya or what??
"Ba't parang hindi ka naman masaya na tutulungan kita?".
"Hindi naman".
At pareho naming pinagmasdan ang mga alon, kahit gabi na ay ang ganda parin tignan ng dagat.
"Tara na at baka nag-aalala na mga kaibigan mo".
At tumayo na kami at inihatid niya na ako sa bahay. Doon natapos ang gabi ko, pagkaklaro na kahit na anong gawin ko, hinding-hindi magugustuhan ni Chris ang isang tulad ko.
After 2 months ay nabalitan ko na boyfriend na ni Liza si Chris. Hindi ko alam na sila na kasi naman umuuwi ako sa amin sa Mindanao. Pagkabalik ko binalita nalang sa akin ni Tin. It may hurt today but I know mawawala din to.
"Anong ine-emote mo dyan?". tanong ni Tin.
"Gaga! Wala noh!".
"Nga pala! Birthday ni Chris bukas at required tayong pumunta".
BINABASA MO ANG
Hidden Desire
Teen FictionThe more you hide yours feelings for someone. The more you fall for them #marishuA!! #votesAndComment