Chapter 9 (Last Chapter)

48 1 0
                                    


Natapos ang araw ko sa office mga bandang 9 pm na. Niligpit ko na ang mga gamit ko at kinuha ang susi nang sasakyan ko na bigay ni Tin. Mahirap kasi pag walang sasakyan dito. Nang palabas na ako ng parking lot may naaninag ako mula sa harapan ko. Si Liz at Chris nakatayo sila sa may poste at parang may hinihintay. Ayokong isipin na ako ang hinihintay nila.

"Jess?!!!". Tawag ni Liz. Bumaba agad ako sa sasakyan at tinanong sila. 

"oyy?! Anong ginagawa nyo dito?" gulat na tanong ko sa kanila.

Hindi sumagot si Liz at yinakap ako. Habang umiiyak ay nag so-sorry siya, na hindi niya daw sinisadya yung mga nasabi niya. Tinignan ko si Chris pero pilit niyang iniiwas ang tingin niya sa akin

Pumunta na kami sa bahay ng tita ni Tin kung saan din ako nakatira. Nag heads up na pala si Tin sa tita niya na darating sila, di man lang niya ako nasabihan. Nang napaghandaan ko man lang ang pagdating nila. Nag usap kami ni Liz, pinaliwanag na daw ni Chris ang lahat at okey na sila. Binabalak nga daw nila na magpakasal na. 
Parang dinudurog ang puso ko sa narinig ko. Kasalanan ko naman talaga ehh,  kung ipinaglaban ko lang si Chris edi sana maligaya ako sa piling niya ngayon. Sa kakaiyak ni Liz ay nakatulog siya. Nag stay ako sa veranda habang iniisip ang mga nangyari kanina. Nagulat ako ng may nagsalita mula sa likod ko. 

"Pwede bang mag usap tayo". Sabi ni Chris at inabot niya ang isang tasang kape. Hindi ako sumagot at kinuha ang inaabot niya.

"Ang daming nangyari mula nung umalis ka. I don't have any idea kung sinabi ba sayo ni Tin. Nagtangkang pagkamatay si Liz".

"Ha? Nagawa niya yun? Ano ba kasing nagyari pagka alis ko". Tanong ko.

"After 1 week nung away ninyu,  tinawagan ako ng mama niya at binalita niya na sa ospital si Liz. Pagkadating ko ay nagmakaawa siya na wag ko siyang iwan. Ikakamatay niya daw pag naghiwalay kami. Paglabas ko ng kwarto ay kinausap ako ng mama ni Liz. Lumuhod siya at nagmamakaawa na huwag iwan ang anak niya. Nag iisang babae daw nila si Liz at ayaw nilang mawala siya".

Walang akong nasabi sa mga sinalaysay niya ngayon. Hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin para gumaan ang loob niya. Pero nabigla ako ng biglang yakapin niya ako mula sa likod. 

"Pero sabihin mo lang na mahal mo ako,  kaya kung iwan ang lahat nang ito". Umiiyak na sabi niya. 

Umiiyak kung sagot habang pilit kung kumakawala sa yakap niya. "Chris, to wish for an us, is to wish an end for Liz. Thank you Chris, dahil kahit hindi naging tayo, eh nalaman kung minsan minahal mo rin ako. Salamat".

At umiiyak akong pumasok sa kwarto ko, hanggang sa nakatulog na ako. Kinaumagahan ay wala na sila Chris at Liz. Umalis na sila pabalik ng Manila. 

After 1 year.  .  .

Wala akong pasok ngayon at nagpasyang pumunta sa beach para mag muni-muni. Napakasakit ng mga nangyari sa amin at wala kaming magawa ni Chris para ipaglaban ang isa't isa. 

Nang makarating na ako sa beach ay naglakad lakad ako sa may sea shores. Isa lang ang lesson na natutunan ko sa mga nangayari sa amin, Letting go doesn't mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be.

After, a few hours sa beach ay nagpagpasyahan kung umuwi na sa bahay. Kaya lang may naaninag akong lalaki na nakatayo malapit sa sasakyan ko. Tumakbo ako pabalik sa sasakyan ko at nagulat sa nakita ko.. Si Chris, nakangiti siya sa akin habang may bitbit na bouquet of roses. 

"Anong ibig sabihin nito?".tanong ko.
"We can start again Jess". sabi ni chris.
"Ha? Hindi ko maintidihan?".

Biglang nag ring ang cellphone ko. Hindi naka save ang number ng tumatawag sa akin

"Hello?".

"Jess?? I'm sorry again. Alam kung mahal ninyu ang isa't isa. Ayokong maging hadlang sa love story niyo. I will try to leave my life without him. I can't be in a relationship na ako lang ang nagmamahal.Sa araw-araw na kasama ko siya, wala siyang ibang minahal kundi ikaw lang.  Minsan sinabi sa akin ni Papa, dapat matuto tayong bumitaw. Dahil mas okay ang maging malungkot ng panandalian kesa magmukhang tanga ng matagalan. Ipapaubaya ko na si Chris sayo. Goodluck sa inyo".

" Liz? Hindi ko... "

"hep! Wag mo akong kaawaan.  Tutuktukan na talaga tika. Pinaubaya mo siya sa akin noon and it didn't work well sa akin. Maganda ako Jess. Mahahanap ko din si Mr. Right. Sige na at boarding na ako. Byeee".

Ibinaba ko na ang phone at umiiyak na tumingin kay Chris. After so many years of waiting. I could finally call him Mine. 

Yinakap ako ni Chris at sinabing "there's no pretending, I love you, and i will love you until I die, and if there is life after that, I'll love you then".

After 2 months ay nagpakasal kami ni Chris. Umuwi kami sa Manila para doon ikasal at nagpapasyahan na dito na sa america tumira. Kumuha kami ng bahay sa New york kasama ng parents niya.

Sa hinaba-haba ng love story namin ni Chris ay narating din namin ang dulo. Sabi ko nga kay Chris, no matter how long it takes ,when God works, it's always worth the wait. Nandito kami sa Maldives ngayon, para magbakasyon kasama nila Tin.

At isa lang masasabi ko

"No matter how long it takes, True love is always worth the wait".

-the end-



Hidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon