Its been months, tagal ko ng nagtratrabaho bilang FA, almost 3 months narin. Matagal tagal narin siguro yun. Sabi ng Mami ko eh mag resign muna ako as a FA kase gusto ni mami na tumulong ako sa family business namin. So, pumayag naman ako, pero tatapusin ko muna tong month na toh. Habang tumatagal nagiiba si Andy yun bang dati kada gising ko may mga sweet messages sya ngayon wala na akong narereceive, bihirang bihira nya na rin akong sunduin sa work, at halos hindi na sya pumupunta sa bahay. Minasan sinasabi nya sa text na itext ko na lang daw sya pag nakauwi na ako. Malapit na mothsarry namin sa 27 na. Habang tumatagal kami, lumalabo na rin ang relasyon namin, hindi ko sya maintindihan kung ano problema nya, tas pag tinatawagan ko sya lagi syang busy or kung ano ano. Kaya minsan nalulungkot ako. At habang tumatagal nakikilala ko na yung totoo nya ugali. Pinagapapasensyahan ko na nga lang sya eh.
Si Clarence naman sobrang sweet, caring, sobrang bait, gentleman at walang bisyo. Yung pagkakaroon ko sa kanya ng crush konti konti ng napupunta sa Love. Kada gising ko sa umaga laging may sweet messages, at bago ako matulog laging meron. Pag busy naman ako sa trabaho tinitext nya ako or minsan minimiss call.
Day off ko ngayon. Wala man lang akong narereceive na text from Andy.Hindi ko sya itetext or tatawagan pa! ano sya siniswerte, ako lang kikilos? hindi pwede yun, hindi ako magtatangahan noh! Bwisit sya! Hindi na pwede ang tanga ngayon.
May tao sa labas. Hindi ko ini- expect na pupunta si Clarence kasi alam ko busy sya sa trabaho nya. May dala dala syang pagkain. Shakeys Pizza and Ice cream! yum yum! at bigla nya akong kiniss sa forehead. Im so shocked kase hindi ko rin ini-expect na gagawin nya sakin yun. Sa sobrang kilig ko napangiti ko.
Clarence POV
Sobrang busy ko na sa business. Day off naman ni Alodia ngayon, pupuntahan ko na lang sya with foods. Gusto ko makapag bonding kami ng kaming dalawa lang kase yung mga kaibigan nya nasa trabaho ngayon. Masosolo ko sya <3 Pagiging mag kaibigan namin nag uupgrade! Nahahalata ko na si Alodia kung ano ang nararamdaman nya sakin, tingin ko pareho na kami pero wag feeler haha. When I saw Alodia I thought she was a goddess, goddess of beauty! nung hinalikan ko sya sa forehead nag blush sya, ang cute nya talaga! Gusto ko syang yakapin kaso may boyfriend nga pala sya :(
Conversation:
Clarence: hi pretty
Alodia: hi handsome :)
Clarence: Look I bought some foodsss.
Alodia: Kanina pa nga ako gutom eh. hmmmm
Clarence: Lets eat na babe
alodia: Speechless (mind blown)
Clarence: Movie marathon tayo.
Alodia:Sure
Clarence: Bago yan, Kamusta na kayo ng BOYFRIEND MO?
Alodia: Ewan ko sakanya, nag iba na sya, no text no calls, Ewan ko ba! fck
Clarence: Mahal mo pa?
Alodia: Konti konting nawawala
Clarence: Buti naman
Aloadia: Ano?
Clarence: wala! sabi ko wag ka magpakatanga dun, dun ka sa lalaking sinusuyo ka, pinapasaya ka, yung sweet, gentleman. remeber alodia dont waste your time thinking that stupid person. he doesn't excert any effort or what. -_-. malapit na mothsarry niyo diba?, ano plano mo?
Alodia: wala. wag na nga natin yun pag usapan.
Clarence: okay sige, basta pag may ginawa sya sayo pagsisihan nya yoon.
Alodia: ano daw? haha NVM
While where watching movie, ang sarap kumain, busy ako sa pinapanood namin at sa kinakain ko.
Clarence: Alodia
Alodia: Yow
Clarence: pwede ba kitang maakbayan?
Alodia: ...
Clarence: ALodia
ALodia: Ikaw bahala.
Alodia's POV
Nung kasama ko si Clarence iba ang naramdaman ko feeling ko sya ang boyfriend ko, wala si andy. Blah blah Hayyss. sumandal na lang ako sa balikat ni Clarence. am bango nya, sarap ihug<3 . Para sakin perfect na si Clarence ang tagal na naming magkaibigan.
----
Habang nakasandal ako kay Clarence, nung tumingin ako sa kanya, hindi ko alam na kanina nya pa pala ako tinititigan, pati ako napatitig, hindi ko alam yung nararamdaman ko its undefined, undescribable. Gosh. Biglang nyang linapit yung muka ko sa muka nya 1 inch na lang yung layo. Hindi ko alam kung ano gagawin nya. color black na lang yung nasa isip ko.
comments & votes before update. :)
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Expect the unexpected
RomantizmDiscover the love story of Alodia King. Naranasan mo na bang iiwan ka ng taong mahal mo ng walang dahilan? At hindi mo alam kung paano mo ito makakalimutan?