3 years.. 3 years mula nung ikinasal tayo pero wala pa rin nagbago .. Parati kang galit sa akin kahit wala naman akong ginagawa sayo, parati mong isinusumbatan sa akin na ako ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay mo ,, ang masakit pa.. yung bang sabihin mong kahit kailan di mo ko kayang mahalin katulad ng pagmamahalan mo sa kanya. Alam ko naman yun pero sa- sana hayaan mo lang akong mahalin ka hanggang sa hindi na titibok ang puso ko para sa i-iyo...
-land
*Yeonwoo as land villaruel
*Nancy as heaven Roque - Villaruel
*Sinb as Zyla Santiago
*Umji as Cheska Del Rosario
*V as Gab Hill
*Jungkook as Mark Villaruel
Pls. Vote thank you..
*Land POV*
"Heaven !! Heaven!! Gumising kana Jan may pasok pa tayo .." Sigaw ko sa tapat ng kwarto ng asawa ko pero wala pa rin akong narinig na bumangon siya..
"Heaven !!Isa malalate na tayo!! " nang-aasar ba siya ang kupag niyang bumangon
"Hay.. Anak nauna na siya may sumundo sa kanya kaya yun nagmamadaling umalis" sabi ni Nay lucy ng mapadaan siya sa likod ko..
Matagal na rin naninilbihan si nanay lucy dito sa amin kaya itinuring ko na rin siyang pangalawang Ina..
Napabuntong hininga na lamang ako..
Siguro si.. Hay
"Ganun po ba Nay? .. sige po salamat po .." pero bago pa ako makaalis nagsalita ulet si nay lucy..
"Nga pala anak uuwi ako sa amin mamaya may sakit kasi si tatay bert mo " paalam niya sakin
"ganun po ba nay sige po pakisabi nalang po kay tay bert na magpagaling po siya" kilala ko si tatay Bert siya ang nag-aasikaso lahat ng sakahan namin sa probinsya kaya malaki ang pasasalamat namin sa kaniya..
"Salamat anak , nga pala alagaan mo sarili mo ha at si heaven " ngiting sabi ni nay sa akin sabay yakap kaya naman gumanti rin ako ng yakap sa kanya
sa limang taon na pagsasama namin ni heaven si nay lucy lang ang naging katuwang ko kapag may problema ako o di kaya'y kapag nag-aaway kami ni heaven sa kanya ko nailalabas lahat kaya nakakalungkot na aalis si nay lucy
"nay ako pa hahaha" sabi ko sa kanya
"pero babalik naman po kayo diba? " tanung ko ulet sabay tingin kay nay lucy
Ngumiti lang siya at tumango.. Yumakap ulet ako sa kanya ngayon palang ay mamimiss ko na siya
"oh sige na sige na malalate kana " Ngiting sabi ni nay at kumalas na sa yakap ko
"At mag-aayos muna ako ng bahay para malinis na pag-uwi niyo " paalam ni nay lucy at bumaba na..
Ako naman ay pabalik na sa kwarto ko para maligo.. ako pa ata ang malalate ngayon.. hay..
* Collins University *
Papasok na sana ako ng Room namin ng biglang may bumungad sa harapan ko kaya naman dahil sa gulat ko ay napaupo ako sa harapan niya .. ouch .. Asar naman oh..
"And where did you go miss Villaruel??! Bakit wala ka sa first subject natin kanina?!" galit na sabi ng taong nakatayo sa harap ko sa sobrang asar ko tinignan ko siya ng masama , buset oh .. Wala man lang konsensya tsk..
"huwag mo kong matignan tignan ng ganyan land " sabi niya sabay tingin sa akin
"oh " sabi niya ulet sabay lahad ng kamay niya kaya kinuha ko naman ito para makatayo ako
"salamat"sarkastikong sabi ko sa kanya kaya naman napataas ang kilay niya
this is my dearest bestfriend zyla , mabait ito kung mabait ka rin sa kanya haha .. napailing na Lang ako sa iniisip ko..
"huwag kang umiling iling dyan di mo pa sinasagot tanung ko" sungit niya ulet sa akin
Kaya naman kinurot ko ang ilong niya sabay ngiti sa kanya kapag ganito ang ginagawa ko sa kanya ay kumakalma siya
Kita kong napabuntong hininga siya.. Kaya napangiti ulet ako
"may nangyari lang sa bahay kaya hindi ako nakapasok sa first subject natin " sabi ko sa kanya sabay pasok ng room at nakasunod lang siya sa akin pero bago pa ako makaupo napatingin ako sa likod dahil sa ingay..
"oh wag mo ng tignan " sabi ni zyla habang nakatakip ang kamay niya sa harap ng mata ko pero kahit takpan pa niya ito ay lumihistro na ito sa utak ko..
Si heaven kasama si gab masayang nagkukwentuhan at magkayakap kasama yung mga fans nila..
humarap ako sa kay zyla at ngumiti pero alam niya na pilit lang ang ngiti yun
Alam niya kasi ang set up namin ni heaven kaya ganun na lamang ang pag-aalala niya sa akin
"Hanggang kelan kaba mapapatanga dyan sa asawa mo na parang single kong umasta kasama yang akala mo kung sinong gwapo na yan " sabi ni zy tumingi ulet ako kay heaven at napangiti
"atleast kahit sa ganyan paraan ay makita ko siyang masaya " bulong ko pero alam kong narinig ni zyla yun
"halika kana mukhang wala naman si ma'am santos " sabi ko sa kanya nakatingin lang siya sa akin na parang kinikilatis ako.. At bumungtong hininga kaya alam kong sumuko na ito ..
"Guys may meeting lahat daw ng faculty kaya hindi daw tayo mamemeet ni ma'am santos " sabi ng kaklase namin na kakapasok lang
Tumingin ako kay zyla na nakatingin din sa akin " eksakto "sabay pa namin sabi at tumawa
Kahit sa ganitong paraan lang ay maitago ko ang sakit na nararamdaman ko at nagpapasalamat ako dahil nandyan parati si zyla para damayan ako.
BINABASA MO ANG
Be mine ??? Girlxgirl (short story)
Romance3 years.. 3 years mula nung ikinasal tayo pero wala pa rin nagbago .. Parati kang galit sa akin kahit wala naman akong ginagawa sayo, parati mong isinusumbatan sa akin na ako ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay mo ,, ang masakit pa...