*Heaven POv*
Buong araw akong inalagaan ni land , dinadalhan niya ako ng pagkain pero hindi ko kinakain ,kinakausap niya ako pero di ko siya sinasagot .. alam kong nasasaktan ko siya pero hindi nya yun pinapahalata sa akin hindi ko alam kung bakit ako pa ang minahal niya.. napabuntong hininga na lamang ako ..
Nga pala kamusta na kaya si gab?
bweset siya hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya dahil hindi man lang niya ako sinundo kahapon ..
Halos 2 hours ako naghintay sa kanya ni text o tawag wala man lang... Kaya sa sobrang inis ko nagpunta ako sa bar kagabi at napainom ng marami.. At sino nga pala naghatid sa akin? Huwag ko na nga lang isipin..Ano na palang oras at hanggang ngayon wala pang text si gab
" wait san yung cellphone ko" bulong ko Sa sarili ko ng magpagtanto ko na hindi ko pala hawak yung phone ko buong araw ..
"Wag mong sabihing..." napatakbo ako pababa dahil alam kung na sa kanya ang yung cellpho..
Napatigil na lamang ako sa pagbaba dahil sa nakita ko..
Nakatayo siya ngayon sa dining room habang hawak ang phone ko
Tutok na tutok siya sa kanyang binabasa , kita ko ang pagtulo ng kanyang luha sa kanyang pisngi
parang kinukurot ang puso ko sa nakikita ko sa tagal ng pagsasama namin dalawa .. nga-ngayon ko lang siyang nakitang u-umiyak .. Hindi ko alam kung papaano ko kukunin ang atensyon niya... gus-gustong gusto ko siyang yakapin pero heto ako at nakatayo habang nakikita siyang umiiyak..
"Uhm.." Simula ko at lumapit sa kanya pagkatapos kung mahimasmasan. Dun ko nakuha ang atensyon niya At sa pag-angat ng kanyang mata dun ko na na-nakita ang sakit na matagal niya ng tinatago..
at sa pangalawang pagkakataon naramdaman ko na naman ang sakit na kani- kanina lang ay nawala.. hindi ko maipaliwanag ang nararamda..
" ahhh.. i-ito pala yun phone mo ibabalik ko na sana kanina kaya lang tulog ka.. kaya i-ito.." sabi niya sabay punas ng kanyang luha at ngumiti habang inaabutan ang aking phone... nakikita ko kung papaano niyang pigilan ang kanyang sarili na wag humikbi sa aking harapan at hindi ko yun nagugustuhan...
"Ahh.. Uhm.. sa-salamat " nanginginig na sabi ko sabay kuha ang phone ko... aalis na sana siya pero humarap ulet siya sakin..
" at nga pala Buong araw kang di kumain may nakahanda na dyan na pagkain.. sana kumain ka.. " sabay pakawala ng malungkot na ngiti sakin ..
"Sa-sana magkaayos na kayo pa-para Uhm... Ngu-ngumiti kana ulet" at sa patalikod niyang yun ay don kona naramdaman ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan at bakit?
*Zyla POV*
It's already 5:30pm at hanggang ngayon hindi ko pa nahahanap yung bahay nung nililigawan ni kuya..
At ngayon hindi ko rin makontak si kuya para sana kunin yung number nung babae buset naman oh..
"panu ba ito? " asar na bulong ko sa sarili ko
Ring!! ring !!
Napatingin ako sa phone ko at huminto muna ako sa pagmamaneho at sinagot ito
"who's this? " sabi ko narinig kong tumawa yung babae sa kabilang linya.. Kaya nainis ako
"I'm asking you! Hindi kita pinapatawa" rinig ko na tumigil siya
"I'm cheska.. At hula ko nawawala ka ngayon " sagot niya sa akin kaya naman natahimik ako.. Baka isumbong pa ako nito kay kuya na sinungitan ko siya.. Tsk
BINABASA MO ANG
Be mine ??? Girlxgirl (short story)
Romansa3 years.. 3 years mula nung ikinasal tayo pero wala pa rin nagbago .. Parati kang galit sa akin kahit wala naman akong ginagawa sayo, parati mong isinusumbatan sa akin na ako ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay mo ,, ang masakit pa...