*LAND POV*
Isang linggo .. isang linggo na rin akong iniiwasan ni heaven mula ng sagutan namin sa parking lot at ilang beses ko na rin siyang binalak na kausapin tungkol dun pero kapag nakikita niya na ako ay lalayo na siya at iiwas o di kayang magbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan kapag kinakausap ko siya ..
Alam ko naman na kasalanan ko yun pero hindi ko maiwasan masaktan kapag masaya siyang kasama si gab sa musical art room habang nagpapalitan ng mga dayalogo hindi ko maiwasan isipin na sana.. sana naging lalaki na lang ako ng matanggap niya ako bilang asawa.. Pero baka hindi rin kasi hindi ako si gab..
At ngayon nga ay nandito ako sa tapat ng pinto at hinihintay siyang umuwi nag-aalala na ako at naiiyak dahil 2:00 na ng umaga ngayon lang siya inumaga na di pa umuuwi
"Ring!!ring!!"
"Ano nandyan na ba siya? " bungad kaagad ni zyla pagkatapos kung sagutin ang tawag niya
"Wala pa.. hindi ko na alam ang gagawin ko.. tinawagan ko na rin si dad pero sabi niya hindi pa naman daw pumupunta dun si heaven " naiiyak na sabi ko
"Huminahon ka muna pls.." sabi niya
"Alam kong kahit anong sabihin ko sayo hindi ka makikinig kapag si heaven na ang pinag-uusapan natin pero land kahit ngayon lang hayaan mo munang pagpahingain sarili mo " rinig ko ang pag-aalala sa boses niya..
Gustong gustong gawin ng utak ko ang sinabi niya pero pinipigilan yun ng puso ko dahil mahal ko si heaven
"Pupunta ako dyan para samahan ka" dugtong pa nito
"Huwag na zy.. ayaw ko naman ng makaabala sayo .. okay lang naman ako "mahinahong sabi ko
"Sigurado ka ba?"
"Oo salamat "
"Sige balitaan moko kung nandyan na siya"
"Sige" at pinatay ko na ang phone.. san ka na ba hea..
"Dingdong!! Ding dong!!" Pakarinig ko ng doorbell napatakbo ako bigla para buksan ito baka si heaven na ito..
"oh.. Hello ..diba ikaw si land? uhmm dito ba nakatira si heaven .. "sabi ng babae ng buksan ko na ang pinto
"oo na-nasaan siya? " nag-aalalang sabi ko sa kanya
"Si heaven kasi nasa kotse lasing na lasing nakita ko siya kanina sa bar mukhang nag-ayaw ata sila ni gab"
"Ahh.. okay sige buhatin ko na lang siya "sabi ko sa babae at naglakad papunta sa kanyang kotse.. pagkakita ko kay heaven dun na ako nabunutan ng tinik atleast ayos lang siya.
"Ano kaba niya kapatid ba?? O pinsan?? " singit nung babae pagkatapos kung maibaba si heaven sa sofa.. akala ko umalis na ito yung pala sumunod pa dito..
"pinsan " sabi ko na lamang para di na siya magtanung ng kung ano-ano sabay tungo ko sa kusina para kumuha ng towel at maligamgam na tubi..
"Kaya pala ang ganda niyong dalawa" sabat ng kung sino
"Oh shit!!! " muntik ko ng nabitawan ang hawak kung maligamgam na tubig dahil sa pagkakabigla ko sa babaeng ito buti na lamang at mahigpit ang pagkakahawak ko dito.. wala bang magawa ito at sunod ng sunod
"Hahaha.. sorry " tawang sabi niya kaya napataas ako ng kilay
"Wala ka bang balak na umuwi anong oras na " sabi ko sa kanya habang pabalik kami kay heaven
"Ako nga pala si cheska kaklase ni heaven sa ibang subject pati na rin ikaw " ngiti niyang sabi at nakikipagshake -hands pa..
"Nice meeting you pero pwedeng umuwi ka na kasi gabi na at baka hinahanap ka na sa inyo" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko si heaven..
"Ang sungit naman nito.. sige salamat ha.." sarkastikong sagot niya at sabay lakad papuntang pinto.. nakonsensya naman ako kaya itinigil ko muna ang pagpupunas kay heaven at hinabol siya..
" okay salamat.. salamat sa pagdadala kay heaven dito" sincere na sabi ko at bigla siya humarap at hinalikan ako sa pisngi at ngumiti
"You're welcome dear " kaswal na sabi niya at naglakad na papuntang kotse niya ako naman ay napahinto dahil sa ginawa niya .. Pro-problema non.. Nailing na lang ako at bumalik na ako sa loob at pinagpatuloy ang pagpupunas ko kay heaven..
*HEAVEN POV*
Tok!! Tok!!
"Heaven!! Papasok ako " naalimpungatan ako sa malalakas na katok na yon sa pinto..kaya naman napabangon ako.. bweset ang sakit ng ulo ko sabay hilot dito..
"Dinalhan kita ng pagkain at gamot na rin para sa hang over mo" at kahit diko tignan alam kung iisang tao lang naman ang nagsabi nun.. napayuko na lamang ako dahil sa sakit talaga ng ulo ko at napalaki ang mata ko ng napagtanto kong iba ang suot ko..
" nga pala kung tatanungin mo kung bakit ganyan damit mo pinalitan kita..at wag kang mag-alala di kita sinilipan." Sabat ng taong yun..
"Di kaba magsasalita " hindi ako sumagot dahil sa sakit na nararamdaman ko ... Kaya Hindi ko napigilan na hilutin ulet ang sentido ko... akala ko umalis na siya pero nabigla ako ng may humawak sa kamay ko at ibinaba ito.. At siya na mismo ang naghilot sa sentido ko.. Hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na pala siya
"Nag - away ba kayo?? " simula niyang tanung habang hinihilot ang sentido ko at sabay upo niya sa kama pero diko alam ang isasagot ko dahil ayaw ko na siyang masaktan alam ko nasaktan ko siya nung isang linggo dahil sa sinabi ko sa kanya.. kaya iniiwasan ko siya para magsawa na siya sa kakahintay na mahalin ko pa siya..
mga 10 mins bago siya nagsalita ulet.
"Sige mukhang ayos ka naman na kumain ka na at itake mo yung gamot para mabawasan ang sakit ng ulo mo." Sabi niya sabay alis ng kwarto.. dun lang ako nakahinga ng maayos.. at napahiga ulet.. mabuti na lamang at weekend ngayon..
*Zyla POV*
"zyla!! Zyla!! " sigaw ni kuya bert sa akin pero hindi ko siya pinapakinggan at mas binilisan ko ang paglakad papunta sa kwarto ko
"Zyla naman eh.. Ngayon lang naman ako hihingi ng favor " dugtong na sabi niya kaya huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.. Kita ko ang pagkinang ng mata niya.. Tsk akala naman niya tutulungan ko siya
"Pwede ba kuya wag mo nga akong bwesitin.. Ngayon na nga lang ako makakapagpahinga iistorbuhin mo pa ako.. " inis na sabi ko sa kanya.. Kita ko naman ang pagbungtong hininga niya
"okay " malungkot na sabi niya sabay talikod sa akin.. Tsk.. Hay!! Asar!! Nakakainis naman oh kapag ganyan na kasi si kuya ay nangungunsensya na siya ...
"asar naman oh.. Sige na sige na.. Ano ba gagawin?! " inis na kunot na sabi ko sa kanya at humarap siyang nakangiti tsk..
"Sabi na nga ba hindi mo ako matitiis" sabay lapit niya sa akin at may ibinigay na papel.. Tinignan ko ito at address ang nakasulat.. Napakunot noong napatingin ako sa kanya
"address ni cheska yan.. We have a date later, gusto kong sunduin mo siya then ihatid mo siya sa resort natin.. " pageexplain niya
"eh may driver naman tayo bakit hindi na lang siya papuntahin mo , ako pa talaga huh! "
"eh kasi gusto kitang ipakilala sa kanya kaya kasama ka rin sa date namin.. Buong family sana kaya lang wala si mama at papa.. Nextweek pa sila babalik "
"sige na baby girl.. Aayusin ko pa kasi yung venue " paglalambing na sabi niya ulet sa akin .. Kaya napabuntong hininga na lang ako
"okay !! mga anong oras ba siya susunduin ?" kita kong napangiti siya at niyakap ako ng mahigpit.. Hay!!
"salamat talaga babygirl.. Mga 5 pm mo siya sunduin" ngiting sabi niya sabay kalas sa yakap namin
" asahan ko na bago six nandon na kayo sa resort at nga pala ibinigay ko rin yung phone number mo kay ches para makontact ka niya if ever na mawala ka.. Sige alis na ako " sabi niya ulet at umalis na ..
Napatingin ako ulet sa address na ibinigay ni kuya.. Sabay tingin sa relo at alas tres na.. Hay!!
BINABASA MO ANG
Be mine ??? Girlxgirl (short story)
Romance3 years.. 3 years mula nung ikinasal tayo pero wala pa rin nagbago .. Parati kang galit sa akin kahit wala naman akong ginagawa sayo, parati mong isinusumbatan sa akin na ako ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay mo ,, ang masakit pa...