KINABUKASAN
*****KRINGGG******
*****KRINGGG******
*****KRINGGG******
Nagising ako ng marinig ko ang alarm clock ko sa kwarto.
TIME CHECK. 3:00 am
"Napaka agap ko namang inalarm to ganun ba ko ka exited," bumangon ako at niligpit ang higaan tsaka naligo at binihis ko yung binigay saking uniform ni Mrs. Fernandez kahapon. "Wow grabe ang gwapo ko ata dito sa salamin hahahah" nakasuot kasi ako ng longsleve na pang itaas na kulay dark blue, at itim na satin meron ding necktie na kulay skyblue tsaka ko napansin na may sapatos din pala dito. Alam nyu na kung anong sapatos malamang black shoes.
Matapos kong mag yabang sa salamin bumaba na ko at nag paalam kina mama, Carla at Cora hindi ko na tinagalan at baka mag kaiyakan pa kami.
"Nak dahil mo na yung bike na regalo ko sa iyo noong isang taon wala narin namang gagamit niyan dito eh". Ani ni mama bago ko umalis
"OK ma basta ingat kayo dito at kayong dalawa mag behave kayo kay mama". Tsaka ko tinuro yung dalawa kong younger sister. Pero tumawa lang sila.
"Haahhahhahahah kuya ikaw ang mag behave duon wag ka mangangagat duon". Sigaw ni Carla at tsaka tumawa ulit kasabay ni Cora "Hahahahahahhaha"
"Bye alis na ko". Sigaw ko naman sa kanila.
Pumunta ko ng naka bike sa terminal ng jeep at isinakay ko sa jeep ang aking bike.
AFTER 3 Hours and 33 minutes naka rating nako sa tapat ng bahay ni Mrs. Fernandez medyo natagalan ako sa pag hahanap nitong address ng bahay niya. Nag dorbel ako sa may gate nila grabe ang laki pala talaga ng bahay nila siguro ang gara ng bahay na ito sa loob.
*****DINGDONG*******
*****DINGDONG*******
*****DINGDONG*******
May nagbukas ng gate na malaki. Ang suot niya ay pang maid, malamang maid siya dito sa bahay ni Mrs. Fernandez.
"Sino po kayo???". Tanong nung maid sa akin.
"Ako po si Tristan Almonte anak po ako ni Carol Almonte". Sabi ko na medyo nahihiya kasi nakatingin na sa akin ang ibang maid dito.
"Oh iho nandyan kana pala. Sigaw sa akin ni Mrs. Fernandez mula sa likod nung babaeng maid. Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya tsaka pina buksan sa maid ang gate.
"Ah kararating ko lang po Mrs. Fernandez". Sagot ko dito pero ang totoo kanina pa koh hehehe.
"Oh ano kaba wag na Mrs. Fernandez, tawagin mo nalang akong tita". Ani nito ng napaka lawak ng ngiti.
"Kung yun po ang gusto niyo tita". Nginitian ko din siya
"Ang gwapo mo naman diyan sa uniform mo". Ani nito
Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Pinasok ko yung bike ko sa loob at sinandal sa gilid ng pader sa may tabi ng aso para walang kumuha. Ayoko kasing mawala ang kahit anong nireregalo sa akin at isa pa si mama nag regalo nito may sentimental value to para sa akin. Kinuha naman ng maid yung bagahe ko tsaka inakyat sa kwarto ko inutusan kasi siya ni Mrs. Fernandez ay tita pala.
"Iho tayo nang pumasok. At kumain ka muna bago ka pumasok". Ani ni tita tsaka pumasok sa napaka laking pintuan. Sumunod ako at napahanga, pag pasok ko napaka laki pala talaga ng bahay nila kumpleto sa gamit ang sala nila may mga malalaking sofa at may platscreen tv na napaka laki, may nakita din ako sa kanan na mini library kaya natuwa talaga ko.
Sinundan ko si tita papuntang kusina at napa hanga na naman ako ng makita ang mahabang table at may chandelier sa may gitna, abala din ang mga nag luluto sa kusina may mga chefs sa kusina nila grabi naman dinaig pa restaurant sa dami ng nag luluto.
"Hi Madam ready na po ang mga pag kain nyo". Ani nung head chef ata
"OK thank you..". Nakangiting ani ni tita
"Tristan iho umupo kana dito sa tabi ko at kumain ka na din, sabayan mo ko". Pag aaya ni tita.
"Opo tita". Sagot ko nalang sa kanya at naupo at napaka daming pag kain sa long table kung ano ano. Nilantakan ko agad ang mga pag kain, pero napansin kong kami lang dalawa ang kumakain. Kaya nag tanong ako kay tita.
"Tita nasaan na po ang mga anak nyo???"
"Naka alis na sila bago ka pa dumating dito...". ani ni tita
"Talaga po ang aga po ata nila???".
"Bawal kasi malate sa University kapag na late ka ay hindi kana papapasukin sa gate". Sagot naman ni tita sa tanong ko. Grabe ang higpit pala dun. Anong oras na kaya wala naman akong relo paano ko malalaman haysssss... buhay nga naman napansin ko na may relo si tita kaya kinapalan ko na ang mukha ko para mag tanong kung anong oras na. 8:30 kasi ang 1st subject ko sa biology. Kinabisado ko narin ang pag kakasunod sunod at oras ng mga subject, nanduon kasi sa may brown envelop na kalagay.
"Tita aaa-anong orrr---ras na po?". Tanong ko na nauutal pa sa sobrang hiya.
"8:15 na Tristan bakit mo na tanong wala ka bang relo?????". Tanong niya tsaka tinignan ang right hand ko.
"Wala po eh...". Ani ko
"Sigeh ibibili nalang kita mamaya...". Nagulat ako ng sabihin niya yun lalo tuloy akong nahiya sa kaniya
"Aaa---aaa eh w-wwwag na po, hindi ko po matatanggap yun".
"Pero Tristan iho kay----------...". hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng tumayo ako at nag paalam na.
"Tita una na po ako ma lalate na po ako". tsaka ko siya nilapitan at nag mano "At tsaka tita wag nyo na po ako problemahin". Pag kasabi ko niyan ay parang natuwa siya sakin. Lumabas na ko tsaka ko kinuha ang bike ko at pinaharurut ng pag kabilis bilis alam ko naman kasi yung school na yun nakita ko na yun dati.
BERTA POV. (MRS. FERNANDEZ, REAL NAME BERTA FERNANDEZ)
Grabe yung batang yun, yung iba gustong gusto ng mga accessories pero iba siya hindi siya katulad ng anak kong panganay na si Kaily, medyo may pagka magaspang kasi ang ugali nuon at ni isang beses hindi pa siya nag mamano sakin tanda ng pag galang. Sana may matutunan siya kay Tristan kahit konti alam kong hindi sila mag kapareho ng ugali pero sana kahit papano matagalan ni Tristan si Kaily kapag nag kita na sila.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
RomanceAng story na ito ay tungkol sa isang babaeng nahulog ang loob sa isang lalaki na pinapahirapan niya dahil ayaw niya itong makita. Ang lalaking ito ay may isang salita, matapang, magalang, at higit sa lahat may respeto sa mga kababaihan. Maraming nag...