CHAPTER 10. STOP BULLYING

14 2 1
                                    

TRISTAN POV.

Nagising ako sa aking pag kakahimbing dahil may sumipa sa mukha ko. Kaya bumangon ako at tinignan kung sino ang gumawa sa akin nun at para suntukin siya sa mukha tutal aalis na rin naman ako dito sa University eh. Pero nawala ang galit ko ng makita ko si Kaily dahil hindi ko kayang manakit ng kahit sinong babae lalong lalo na ang mga malapit sa buhay ko.

Tumayo ako dahil gusto ko ng umuwi sa bahay ni tita upang makapag pahinga na. Pinilit kong makatayo para mag lakad pero hindi paman ako nakakalayo sa hinihigaan ko kanina ay natumba na ko. Kaya nag tawanan ang mga istudyanteng nakakita sa akin. Gusto kong umiyak pero piniit ko ang mga luha ko dahil mas lalo nila akong pag tatawanan dahil kalalaki kong tao umiiyak ako.

Tumayo ako ng biglang may tumulong sa akin at inakbay ang braso ko sa balikat niya para alalayan ako. Nang titigan ko ang mukha niya nagulat ako dahil si Rose pala ang tumulong sa akin.

"Rose wag mo na kong tulungan". Ani ko at akmang aalisin na sana ang braso ko sa balikat niya ng hawakan niya ang braso ko at ibinalik sa balikat niya.

"Tulungan na kita". Ani niya at nginitian lang ako

"Wag na kaya kong umuwi". Sabi ko at nginitian ko lang siya pero nag lakad siya kaya na pa abante ako sa pag lalakad. At medyo napasigaw ako dahil sumakit ang katawan ko.

"Ooouuccchhhh!!!" Sigaw ko kaya napahinto siya

"OK ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya sa akin.

"Oo naman kaya ko na wag mo na kong alalayan pa". Ani ko

"Iuuwi na kita. Saan ba bahay niyo???" Tanong ni Rose sa akin

"Wag na kaya ko naman eh". Sagot ko

"Hatid na nga kita??" Pag pupumilit niya na hindi parin tinatanggal ang braso ko sa balikat niya.

"Kaya ko na ngang mag lakad mag isa na out of balance lang ako kanina dahil natapilok ako eh. Ganun ako ka lampa". Palusot ko dahil medyo may kakulitan pala si Rose.

"Oh sige ganto, pag nakapag lakad ka hanggang sa labas ng gate ng hindi ka tumutumba at walang umaalalay sayo hahayaan na kita umuwi mag isa pero pag natumba ka ako na mag hahatid sa iyo pauwi". Ani niya

"Tsssk makulit ka rin pala eh noh". Ani ko

"Ano deal???" Tanong niya at iniabot ang kanyang kanang kamay para makipag kamay sa akin.

"Oh sige deal" Ani ko kay Rose tsaka tinanggal ang kanang braso ko sa balikat niya upang makipag kamay din sa kaniya.

"Game kapag alam kong matutumba kana sasaluhin na kita agad". Ani ni Rose

Sinimulan ko nang mag lakad para subukan kung kaya ko. Medyo malapit na ko sa gate at hinang hina narin ako at mga ilang hakbang nalang sa gate ay natumba pa ko pero agad naman akong sinalo ni Rose kaya hindi ako natumba sa sahig kundi sa balikat niya.

"Ano sabi ko na nga ba hindi mo kaya eh". Sermon niya sa akin.

"Anong hindi malapit na nga ako eh". Ani ko

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon