TRISTAN'S POV.
Nang makita kong hinila ni Troy si Kaily papunta sa likod ng restaurant agad kong pinaandar ang dala kong motor para pumunta sa likod ng restaurant. Naabutan ko naman sila na nag lalakad na naka payong dahil sa lakas ng ulan. Medyo giniginaw narin ako dahil basang basa na ko ngayun.
Pinark ko muna ang motor ko para palihim silang sundan pero hindi paman ako nakaka baba ng motor ng may humarang sa kanilang limang malalaking lalaki. Nakita ko pang sinuntok ng isang lalaki si Troy. G*go yung lalaking yun ah.
Tumakbo palayo si Troy matapos matumba dahil sa suntok ng isang lalaki. Naiwan namang nag iisa si Kaily at parang umiiyak napansin ko ring nanginginig na siya dahil siguro sa ginaw. Tumakbo agad ako papalapit kina Kaily.
Akmang hahawakan na sana ng isang lalaki si Kaily ng tapikin ko ang kamay nito.
THIRD PERSON POV.
Nag tatakang tinignan ni Kaily kung sino ang lalaking kakarating lang pero hindi niya ito nakilala dahil sa naka helmet ito at naka jaket na itim pero naalala niya ang lalaking sinuntok ni Troy kanina sa tapat ng restaurant.
Siya kaya yung kanina sa restaurant sino kaya siya??? Tanong ni Kaily sa kaniyang sarili.
Biglang hinubad ni Tristan ang kaniyang jaket at isinuot ito kay Kaily na nanginginig parin dahil sa takot at ginaw. Natuwa naman si Kaily kahit hindi niya alam na si Tristan pala yun.
Hoy kung ayaw mong masaktan umalis kana dito... pasigaw na sabi ng lalaking hahawak sana sa braso ni Kaily.
Lumayo ka muna dito... Ani ni Tristan kay Kaily. Dumistansya naman ng konti si Kaily pero nanatiling nakayo dahil nakakaramdam na siya ng pag kahilo.
Sinuntok agad ng isang lalaki si Tristan pero madaling nailagan lang ito ni Tristan tsaka sinuntok ito sa mukha dahilan para matumba ang isang lalaki.
1 down, 4 nalang. Ani ni Tristan sa apat pang lalaki. Sinuntok ng isang lalaki si Tristan pero nakailag agad si Tristan at tinaddyakan ang lalaki sa bayag at namilipit sa sakit ang lalaki. Sabay sabay namang sumugod ang tatlo pang lalaki para suntukin si Tristan pero ni isang suntok ng tatlo wala man lang tumama. Hanggang sa gumanti ng suntok si Tristan at pinataob ang tatlong nag lalakihang lalaki.
Iniwan niyang naka handusay sa sahig ang limang lalaki at agad pumunta sa kinatatayuan ni Kaily. Napahanga naman si Kaily kahit hindi niya alam kung sino yung taong naka helmet.
TRISTAN'S POV.
Matapos kong turuan ng leksiyon ang limang gagong lalaki na yun ay agad akong pumunta sa kinatatayuan ni Kaily...
OK ka lang???? Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya...
Oo... Matipid na sagot niya.
Bakit parang maputla ka??? Sunod kong tanong.
Ah wala ito medyo nahihilo lang ako ng slight. Sagot niya sa tanong ko. Kaya minabuti kong hawakan ang noo niya para icheck baka kasi nilalagnat siya.
Hindi naman ako nag kamali dahil sobrang taas ng lagnat niya kaya minabuti kong iuwi na siya sa bahay nila este mansion pala nila. Inangkas ko siya sa motor yung kanang kamay ko nakawak sa manubela ng motor samantalang yung kaliwang kamay ko nakahawak sa kamay ni Kaily na nakapulupot sa bewang ko. Baka kasi bigla siyang mawalan ng malay at makabitaw.
Pinaandar ko ng banayad ang motor baka kasi maaksidente kami lalo na't nasa ang kalsada at isang kamay lang ang kapit ko sa manubela. Nararamdaman kong nanginginig si Kaily kaya medyo binilisan ko ang pag papatakbo ko.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
Storie d'amoreAng story na ito ay tungkol sa isang babaeng nahulog ang loob sa isang lalaki na pinapahirapan niya dahil ayaw niya itong makita. Ang lalaking ito ay may isang salita, matapang, magalang, at higit sa lahat may respeto sa mga kababaihan. Maraming nag...