CHAPTER 20.

14 2 4
                                    

KAILY'S POV.

Limang araw na rin bago ko huling nakita si Tristan sa hospital. Ngayung hapon papunta ako sa bahay nila Tristan dahil nag text si tita kahapon na pinayagan ng lumabas si Tristan sa hospital. Gusto ko ring mapasalamatan siya ng personal sa pag liligtas ng buhay ko. Makalipas ang halos dalawang dekada este dalawang oras nakarating narin ako sa bahay nila Tristan kaya agad akong kumatok.

TTTOOOKKKKKKK

TTTOOOKKKKKKK

TTTOOOKKKKKKK

Agad naman na bumukas ang pinto at nakita ko kaagad si Tita.

"Hello po tita" Bati ko at binigyan siya ng isang ngiti na galing sa aking puso.

"Oh iha pasok ka, ikaw lang ba?" Tanong ni tita na tinitignan kung may tao ba sa likod ko.

"Ah opo marami po kasing inaasikaso si mommy kaya hindi na po siya nakasama" Ani ko tsaka ko pumasok at naupo sa sofa.

"Ah ganun ba iha, gusto mo bang puntahan si Tristan?" Tanong ni tita at tumango nalang ako bilang sagot. "Alam mo na naman ang kwarto niya di ba? Paki dala narin tong pag kain niya at paki painom mo narin sa kaniya itong mga gamot niya"

Kinuha ko ang tray na may mga pag kain at dinala ko rin ang gamot tsaka tubig. Umakyat ako sa hagdan at agad kong nakita ang kwarto ni Tristan na bukas ang pinto kaya pumasok ka agad ako.

Naabutan kong walang tao pero may narinig akong naliligo sa cr kaya nilapag ko nalang muna ang tray sa may table sa side ng kama niya tsaka ako nag hintay. Maya maya pa bumukas ang pinto ng cr at iniluwa ng pinto si Tristan na naka tapis lang ng twalya.

"Hoy anong ginagawa mo dito? at paano ka nakapasok sa loob ng kwarto ko?" Gulat na tanong niya pero nanatiling nakatingin ako sa kaniyang katawan. "Hoy Kaily wag mo kong pag nasahan". Sigaw niya at nabalik naman ako sa realidad.

"Ang Kapal mo naman, pwede bang mag damit ka muna bago ka mag tanong diyan?" Pasigaw ko ring sabi. Tsaka ko umiwas ng tingin.

"Pwede bang paabot ng bihisan ko diyan sa kama?" Utos niya, kaya agad kong dinampot ang short tsaka T-shirt na nasa kama at iniabot iyon sa kaniya ng hindi tumitingin.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit na tulala ako kanina? Dapat pala sa labas nalang ako ng kwarto nag hinatay.

"Oh Anong nga ang ginagawa mo dito?" Tanong niya matapos lumabas ng cr.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon