CHAPTER 19. WAKE UP

8 2 0
                                    

TRISTAN'S POV.

Nasaan kaya ako ngayun? Halos lahat ng nakikita ko sa paligid ay kulay puti. Ano bang nangyari sa akin? at pakiramdam ko pagod na pagod ako halos hindi ko na magalaw ang katawan ko. Ang naaalala ko lang ay may isang truck na mabilis ang takbo papalapit kay Kaily, tapos agad ko siyang sinigawan pero hindi siya gumalaw kaya mabilis akong lumapit sa kaniya. Tinulak ko siya tapos tapos tapos, haysttt wala na kong maalala.

Kamusta na kaya si Kaily? Nasaktan kaya siya? Sana walang nangyaring masama sa kaniya? dahil hindi ko na alam kung may mukha pa akong ihaharap kay tita.

May nararamdaman akong mabigat sa aking kamay, Nung titigan ko itong mabuti ay si mama na nakapatong ang ulo sa aking kamay. Kaya sinubukan kong alisin ang aking kamay.

"Tri-Tris-tan gising kana" Ani ni mama tsaka may tumulong luha sa kaniyang pisngi.

"Masaya ko at gising ka na Tristan, Anong nararamdaman mo may masakit ba sayo?" Tanong ni mama pero hindi ko magawang makasagot dahil sa nakatapal sa aking bibig para hindi ako mahirapang makahinga. Nginitian ko nalang si mama bilang sagot.

"Tristan mag pahinga ka nalang muna at bukas na bukas dadalhin ko ang mga kapatid mo dito" Ani ni mama tsaka ko pinikit ang mga mata ko.

KAILY'S POV.

Dalawang araw simula ng huli kong dinalaw si Tristan. Ano kayang sasabihin ko kay Tristan kapag nakausap ko siya? Magalit kaya siya kapag nakita niya ko? Haayysstt bahala na nga. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ni mommy papunta sa hospital para dalawin si Tristan.

Nag text kasi si Tita kaninang umaga na nagising na daw si Tristan. Isinama ko na si mommy at tsaka si Kevin.

"Ate OK kalang ba mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Nagulat ako sa tanong ni Kevin.

"Oo naman masaya lang ako dahil nasa mabuting kalagayan na si Tristan"

"Talaga ate ako din eh, namimis ko na nga siya dahil walang tumutulong sa akin sa pag gagawa ng assignments ko"

Mayamaya pa nakarating na din kami dito sa hospital, almost 2 hours ata ang byahe namin. Pag kapasok namin sa kwarto kung saan nag papahinga si Tristan nakita ko kaagad si Tita Carol.

"Hi Carol kamusta na si Tristan? OK na ba siya?" Tanong kaagad ni mommy tsaka lumapit kay tita at nag yakap sila pero mga ilang segundo lang nag hiwalay na sila sa pag yayakapan.

"Oo masaya nga ko dahil sabi ng doctor bumilis ang recovery ng katawan at utak niya" Ani ni Tita tsaka siya umiyak.

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon