Six

1.4K 134 34
                                    

Love is perfect, it'll make you crazy

"PAKENING TAPE OF ALL THE PAKENING PAKENERSZ!!!!!!", sigaw ko habang nagpapagulong-gulong sa kama.

"Joyce ano na?", tawag ko kay Joyce na busy sa pagkain ng chips.

"Hay naku, Nicomaine. Tumigil ka nga sa kakangawa diyan. Kahit bahay niyo 'to, palalayasin kita. Na-stress ako sa'yo!"

"Naman eh, dapat ikaw na lang nag-migrate sa Canada at hindi si Bea. Napakawalang kwenta mong kaibigan!"

"A? Talaga ba?"

I giggled and continued rolling on my bed. Bea, Joyce and I remained friends. Hanggang ngayon kahit may kanya-kanya na kaming trabaho, kami pa rin talaga ang sanggang dikit. Lahat ng kalokohang hindi ko alam na kaya kong gawin nagawa ko kasama sila. Lahat ng kagagahan at kabaliwan ko alam nila. Ganon din naman ako sa kanila, si Bea kahit nasa Canada na, naka-schedule pa rin ang pag-face time niya.

"Eh kasi namaaaaan!", ungot ko uli.

"Napakagulo mong nilalang Nicomaine! Ang tagal mong inantay diba? Dapat excited ka dahil sa wakas darating na, ano 'yang drama mo?"

Oo nga naman, pero kasi naman hindi ko makalma 'yong kaba ko. At kapag ganito, hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong gumulong. Ewan ko ba!

"Ang tagal na kasiiiii....", sabi ko at umisang gulong pa.

"Hilo hilo na ako sa'yo a!", pagbabanta niya.

"Joyce, paano pag sa tagal, hindi na tulad ng dati?"

8 years. Walang communication. Walang Ha. Walang Ho. Wala kahit na ano, kahit mga magulang niya walang balita sa kanya. Nabalitaan ko lang kay Mama na uuwi na si Richard dahil hindi na kaya ng daddy niya na pamunuan ang kompanya nila dahil sa lumalalang sakit nito sa puso kaya siya na ang mangangasiwa sa kompanya nila. 8 years and he's back. He's back! Tang inuh.

"Aaaaaahuhuhuhuhuhahahaha"

"Baliw!", Joyce exclaimed.

"Ikaw kaya dito!", nakasimangot na sabi ko.

"Ayoko nga", she said then laugh. "Ang sarap nitong chips niyo"

Huminga ako ng malalim. Walong taon din 'yon. At sa walong taong 'yon, marami akong natutunan at naintindihan. Na 'yong sa amin ni Chadchad isang malaking suntok sa buwan. Pero sa tuwing naaalala ko 'yong huling gabing kasama ko siya, nabubuhayan ako ng pag-asa, baka sakaling pwede. Hindi kaya?

"Paano pag may iba na?", I asked out of nowhere.

"Hmmmm", Joyce moved her lips as if thinking really deep.

"Ganon talaga, kailangan mong tanggapin. Doble nga lang ang sakit kung kamukha ni Mama Mary", she said laughing out loud.

"Joyce! Hindi na nakakatulong!"

"Edi wag ka pumunta", she said seriously. Nag-eye to eye kaming dalawa then I looked away.

"See? 'Wag mo munang problemahin ang mga hindi naman dapat pang problemahin"

"Paano kapag kamukha ni Mama Mary?"

She get a handful of chips then eat all of it.

"Unahan mo"

"Ha?"












-

I bit my lower lip as the Faulkerson's main door opened. Malakas ang pagtahip ng puso ko. Malakas, mabilis. The way my heart beats faster is very foreign for me. Hindi ko pa naramdaman kailanman, ngayon lang. Lyndon Faulkerson, his father, is still on the office, si Mama ko at ang Mama niya busy sa kusina. Kaya naman ako ang pinakaunang taong sasalubong sa kanya dahil ako lang ang nasa sala. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat kong off ko ngayon, bigla ay para bang gusto kong tumakbo at tumulong sa kusina. Tatayo na sana ako pero napatigil ako nang tuluyang magbukas ang pinto revealing a different Chadchad. I licked my lips as his figure went clearer, his skin a bit tanned, his lips is still the same, he looked taller, he's well-built. At ang biceps niya- na may dalang tatlong bag iba pa 'yong naka-bag pack sa kanya- ay halos pumutok na sa suot niyang puting t-shirt. Ang dami yata? Kumunot ang noo ko at hindi ko sinasadyang mapatingin sa mga mata niya. His eyes changed. Darker, more intense, deeper. I gulped I can't move. Nandito na si Chadchad, nandito na siya. I was about to greet him when someone appeared behind his back. Tall, sexy, a lady with red lips. Kinuha niya ang isa sa mga hawak ni Chadchad na bag at bumaling sa kanya.

"Thanks, sweetie", she said. "Una na ako sa loob. Natulala ka yata diyan?", the lady said then went inside nginitian niya pa ako. Tumango lang ako. Ang ganda niya. Her nose is perfectly shaped, 'yung lips niya manipis at ang mukha niya ang amo, ang liit at pati mga mata niya nangungusap. Her movements are full of grace. Sumakit bigla ang ulo at puso ko. So may iba na? Bumaling ako kay Chadchad, nakatingin lang din siya sa akin.

Unahan mo..

So I did. I walked towards him and when I'm face to face with him, muntik pa akong yumuko para pulutin ang nalaglag kong panty, kasi ang gwapo. Tangina. But like what Joyce said. I will save my ego. Kahit wag na 'yong heart. Kahit yung ego na lang. Bumilang muna ako ng three seconds. He opened his mouth, siguro para magsalita but I cut him off by slapping his face.

"Wha-"

Hindi ko na rin siya pinatapos magsalita. I cut him off again by saying:

"Break na tayo!", then I walked out. Hindi ko na inantay na makapagsalita siya, umalis na ako at tumakbo papunta sa bahay namin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Naiiyak ako. Tangina. It finally dawned on me. There will be no happy ending with Chadchad. Walong taon din 'yon ha? Tangina. Walong taon din akong naging tanga, o mas tamang sabihing nagtanga-tangahan. I dialed Joyce's number and I'm very thankful that she answered.

Hello, sino 'to?

Joyce... May iba na at kamukha ni Mama Mary!

Prince Charming    ...not. Where stories live. Discover now