Eighteen

1.3K 146 34
                                    

The next day after his meetings we decided to went out for dinner.

As we wait for our orders to come I excused myself to go to the powder room. Pagbalik ko may nakita akong babaeng naka-upo sa dating inuupuan ko at kahit minsan ko lang siyang nakita hindi ko basta basta makakalimutan ang nagmamay-ari ng mukhang 'yan - si Janice at sa hula ko ay nagkakaroon sila ng diskusiyon ni Chad kaya naman kahit masakit sa akin, tinipon ko lahat ng lakas ng loob ko at hinarap silang dalawa.

"Sir"

Gulat na napalingon sa akin si Chad, but Janice didn't seem to notice me dahil ang buong atensiyon niya ay na kay Chadchad.

"Meng", he whispered.

"Nakausap ko na po si Mr.Fuentes, hindi na po siya makakapunta sa meeting niyo ngayon", imbento ko kahit ang totoo ay date namin dapat ito.

Ayos lang, sige lang...

Nakita ko kung paanong gumaan ang aura niya.

"See? I told you..", he said.

Nakita kong kumunot ang noo ni Janice na para bang hindi siya makapaniwala tapos ay ako naman ang tiningnan niya na para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero sa huli ay napailing lang siya.

Nasasaktan ako. Pakiramdam ko ang liit liit ko, para bang may ginagawa akong masama kahit alam ko na wala naman talaga. Nagmamahal lang naman ako eh. At naniniwala ako kay Chadchad na gagawan niya ng paraan 'to. Na kaunti na lang magiging okay din ang lahat.

Huminga ako ng malalim bago nagpaalam na aalis na.

I went to a coffee shop near the restaurant, and when I'm about to go home someone called me by my name, and when I turned to see who it was I was greeted by Janice.

"Let's talk", she said.






























-

Where are you? Sunduin kita, Sorry kanina babe

It's okay, papunta na ako sa condo mo. Let's talk there.

Babe..



Pinikit ko ang aking mata at piniling 'wag na munang sagutin ang text niya. Kahit sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kahit hindi ko alam kung paano. Alam ko, alam ko at ramdam ko na mahal niya ako, hindi niya ako magagawang saktan.




































/

"Babe, I'm sorry", he said after breaking the kiss. Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko pero kailangan kong malaman kung ano talaga ang totoo..

"Chad..", almost a whisper.

"Aayusin ko babe, aayusin-"

"Kinausap ako ni Janice kanina"


His brows furrowed, arms over his chest, he distanced himself to me then looked me in the eye with his orbs darker than usual.

"What did she tell you?", he asked in a very very cold and deep voice.

Shit! Kaya ko 'to.













"What can I do for you Ma'am?", I asked her. Nasa loob kami ng coffee shop na pinuntahan ko kanikanina lang. She took a sip from her coffee then looked at me.

Prince Charming    ...not. Where stories live. Discover now