Nine

1.4K 156 17
                                    

Love is perfect and magical, it will challenge you to love beyond perfection.



Omayghad kang bakla ka!

I chuckled after hearing Joyce on the other line. Naging matiwasay naman ang dalawang meetings na dinaluhan namin ni Chadchad. Hindi na rin kami masiyado nakapag-usap dahil sobrang busy at nag-a-adjust pa siya pero kung ako ang tatanungin gusto kong makapag-usap kami, makapagkwentuhan, gusto kong tanungin kung kamusta na siya, kung namiss ba niya ako at gusto kong sabihin sa sa kanya na wala. Wala akong iba. Siya lang. Siya lang simula pa nung una, siya pa rin hanggang ngayon.

So anoo????

Anong ano?!

Masarap?

Ha?! Anong masarap?

Tangina. Yung kiss.. Maang-maangan ah?

Hmmm.. Sarap

Bruha ka! Mag-usap tayo mamaya!

Oo na sige na, bye na. Mag-la-lunch na ako

Bye! Ay teka wait!

Ano?

Anong klaseng kiss? Laplapan?

Joyce! Words!!!

Arte mo! Pa-virgin?

I heard her laugh. Nakitawa na rin ako.

Virgin naman talaga ako.

Oo na! Sige na! Ako na ang pinakamakamundong nilalang sa balat ng lupa. Bye.

Naiiling akong binalik ang cellphone ko sa aking bag. Joyce is also a virgin, vulgar lang siya magsalita pero wala pa 'yong first kiss. Ako meron na. Napangiti ako nang maalala ko 'yong halik ni Chadchad sa akin kanina, naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko, buti na lang talaga mag-isa lang ako sa elevator kung hindi iisipin nang makakasabay ko na mukha akong timang. Eh bakit ba? Masherep nemen keshe telege. Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. May isa pa akong malaking problema— si Marco. At magkikita kami ngayon. Tumunog ang elevator senyales na sa wakas nasa ground floor na ako, pagkalabas ko ay siyang paglabas ni Chadchad sa kabilang elevator. Nagkatinginan kami at ako ang unang nag-iwas ng tingin. Next time. Dali-dali akong naglakad pero naabutan niya ako, ramdam na ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko.

"Lunch?", he asked.

Napalunok ako. Damn his deep deep voice. Lunch ang tinatanong niya but it feels like he's asking for sex. Omayji! Nicomaine!!!!! Nasaniban ka yata ni Joyce! I cleared my throat before answering.

"Yes, sir"

"Alone?", this time nasa tabi ko na siya. I looked at him at tumigil kami sa paglalakad. Tumigil ang pag-ihip ng hangin, tumigil ang pag-ikot ng mundo, tumigil ang pagkurap ko, tumigil ang lahat at ang tanging nagpatuloy lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko..... At ang pagtunog ng cellphone ko napakurap kurap ako at naguguluhang tiningnan ang cellphone ko. Si Marco..

Prince Charming    ...not. Where stories live. Discover now