Ten

1.4K 165 18
                                    

"I need my daily dose of my beautiful ex-girlfriend's sweet kiss", he said huskily. Napatingin lang ako sa kanya at napalunok dahil grabe siya makatitig. His black pair of orbs that becomes darker everytime his jaw clenched at hindi ko alam kung bakit ganon, it's intimidating, at the same time.... hot.

Hindi ko nga alam kung paano ko kinakaya?!!? Ilang segundo pa kaming nagkatinginan bago niya ako binitiwan at lumayo sa akin. Yumuko siya at huminga ng malalim. Nahihilo ako. Ano ba kasing nangyayari?

"I'm sorry", nilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa nang kanyang pantalon. "Let's.. get back to work", he said casually at tinalikuran na ako.

So ganon ganon na lang? Hahalik halikan niya ako tas get back to work? Unbelievable! Ano 'yon? Nakakunot lang ang noo ko habang nakatitig sa kanya. He's getting ready for our first meeting this morning. Binabasa niya 'yong mga papeles na inihanda ko para sa kanya. Napansin niya atang nasa harapan lang ako at nakatitig sa kanya kaya binaling niya ang tingin niya sa akin.

"Nicomaine.. Let's get back to work", kalmado niyang sabi.

"I can't", sagot ko sa kanya, he raised a brow and stood up then walked towards me.

"What?"

"Hindi ko kasi ma-gets. You keep on kissing me. Two days na"

"Hindi ka naman kumukontra ah?"

"Oo nga, pero-"

"What? You're distracting me"

"O edi tangina. Wag mo 'kong hinahalikan halikan sa umaga tapos sasabihin mo get back to work na parang wala lang!", tumaas ang boses ko at hindi ko rin maintindihan kung bakit ba ang init yata ng ulo ko ngayon. Gusto ko manghamon nang away. I don't know, it's just that, I don't want him treating me like this na parang past time lang, hahalikan niya lang kung kailan niya gusto tapos wala lang. Kahit mahal ko siya, hindi naman pwedeng ganito. Mahal, of course hindi naman nawala, hindi man lang nabawasan, nadagdagan pa nga eh. But the thing is, I don't even know kung meron siyang girlfriend.

"What? What do you want us to do after kissing? Have sex? Dito sa office? Ugh, you're really a changed woman Nicomaine, aren't you?"

Nagpanting ang tenga ko sa narinig at hindi ko napigilang sampalin siya at mukhang inaasahan niyang gagawin ko 'yon dahil hindi man lang siya natinag. His jaw clenched, his lips pressed into a thin line. And he just looked at me. His face void when any emotion.

"Okay na? Pwede na ako magtrabaho ulit?", he said lazily turning his back to me. Sumakit ang ulo ko. I can feel my heart beats became erratic, it pains on a different manner. Masakit, nakakaiyak. Pinigilan ko ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. I balled my fists and spoke.

"You're a changed man, too", sabi ko at tumalikod na. I can't understand, why is he acting like this. This is not what I expected. Walong taon, walong taon ko siyang hinintay, pinanghawakan ko 'yong sinabi niya na babalik siya. Bumalik nga siya, pero hindi na tulad ng dati. Parang hindi ko na siya kilala o baka hindi ko naman talaga siya kilala simula palang.

Before I reached for the doorknob I turned to him.

"Wag kang mag-alala, tatanungin ko 'yong progress sa paghahanap ng secretary mo. Or maybe I should ask for another available secretary for you, 'yong hindi magiging distraction"

"Maine"

"Sir?"

"I'm.. I'm sorry it's not what I meant"

"You don't have to say sorry", magalang na sabi ko at akma nang aalis nang tinawag niya uli ako.

"Nicomaine, please... Hindi mo kasi naiintindihan", he said with pleading eyes. Paanong parang ako pa ang may kasalanan?

"What? Hindi ko maintindihan? Ano ako tanga? Ipaintindi mo sa akin. Kasi gulong gulo na ako hindi ko alam kung ano bang problema mo?!!?", tumaas na naman ang boses ko.

"Problema? Sino bang nakipagbreak?! Sino bang may iba na? At pwede ba 'wag mo akong sigawan!", medyo tumaas na rin ang boses niya.

"Hindi ako sumisigaw! Malakas lang talaga ang boses ko!", I said I can feel my head aches.

"At wala rin akong iba!", dagdag ko.

"Yeah, sure. Kaya pala hindi ka pumayag na sumabay ng lunch sa akin kahapon kasi may kasabay kang iba", he said crossing his arms over his chest.

"What? I didn't remember you asking me!", sagot ko. Napahawak ako sa aking sentido dahil nakikisabay talaga ang sakit ng ulo ko sa mga pangyayari.

"Paano kita yayayain? Eh nagmamadali kang umalis. Si Marco?", he asked and he has that smug look on his face.

"What's your problem? Marco is my friend!", naiirita na talaga ako at ang sakit pa ng ulo ko!

"Really, friend. Ako, Nicomaine. Ano mo ako?" he's looking on me intently, his eyes were dark and his lips parted. I gulped and gave him the same look.

"Ako, ano mo rin ba ako?", inisang hakbang niya lang ang kinaroroonan ko. Kung paano niya ginawa ay hindi ko alam. Dalawa lang ang alam ko. Una, sobrang lapit ulit namin sa isa't isa na para bang hindi kami nagsisigawan kanina. Pangalawa, sobrang sakit na ng ulo ko. Talaga!

He cupped my face and he leaned closer giving me an easier way to look at his eyes. We were so close, so close. Then he started talking.

"What you are to me, Nicomaine?", he asked.

"Do you want to know?"

I nodded. Kung paanong kumalma ako samantalang kanina ang init ng ulo ko hindi ko pa din ko alam, maybe because of his touch? Of his eyes? O baka sa posibilidad na kaya siya nagkakaganyan ay dahil nagseselos siya kay Marco. Shit! Ang ganda ko rin e no? He gulped then continued.

"You. Are. Mine", he said in the manliest way, his voice deep and raspy. Pati pagsasalita niya parang slow motion. I gulped. I can feel his breath brushed into my lips and chin, it shivered me. My heart continued on beating a little too fast, para bang mauubusan ako ng hininga. My vision became blurry, my head aches more.

"Maine? Are you okay, baby?", those are his last words I heard before everything went black.

"Nicomaine!"

Prince Charming    ...not. Where stories live. Discover now