Untitled

1.2K 93 24
                                    

Usapang Panty with Mareng Menggay

Hello mga kumare! Bitinin ko lang kayo sandali ano? Nais kong magpasalamat kay otor Ces sa pagbibigay ng pagkakataon para maibahagi ko ang aking kaalaman sa lahat ng mambabasa sa istoryang ito. Kung mapapansin niyo sobrang mahalaga sa akin ang underwear na sinusuot ko sa pang-araw-araw dahil mga kumare, oo sa panty po talaga natin nakasalalay ang ating forever.

Alam niyo ba mahigpit na bilin ng mudrakels ko na dapat maganda ang panty na isusuot ko dahil hindi ko alam kung kailan ako makikipag-churva. Alam niyo na, churva as in chukchak chinez kemerut. Kaya para matulungan kayo sa paghahanap ng tamang panty, heto ang ilang tips ko para sa inyo.

Tip #1

Una niyong titignan ang garter. Dapat masigurong matibay ang garter dahil doon tayo kakapit. 'Don tayo kukuha ng energy. At 'yon ang hahawakan niya 'pag huhubarin na niya ang panty mo para makamit ang Grand Prize! Kaya dapat matibay 'yon. 'Yong sobrang tibay na mahihirapan siyang tanggalin at maiinis siya kaya pupunitin na lang niya levels! Omaygad. Sobrang hot 'non!


Tip #2

Ang design. Dapat nababase sa pagkatao mo ang design ng panty na isusuot mo. Pero kung ako ang tatanungin mas simple, mas okay. Hindi naman sa sinisiraan ko ang mga kulay black na panty a? Pero parang walang originality 'yong  bikining itim. Imagine kapag iuuwi niya 'yong panty mo parang ikaw na rin 'yong babae sa kantang bikining itim, ang panget! Dapat may originality like, bikining asul, bikining pula o bikining bulaklakin.


Tip #3

'Wag kayong bibili ng panty na may burda! Dapat printed lang. Kasi 'pag may burda, lalo na 'pag puti 'yong sinulid na ginamit baka humalo ang mga himulmol nito sa hairlalou down there at baka isipin niya nagkakauban ka na rin down there!



Tip #4

Dapat medyo makapal 'yong base. 'Yon talaga ang important eh. Para 'pag kinapa niya, hindi niya masiyadong ma-feel na L na L ka na rin. Magpabebe ka dapat ng very light.


Tip #5

Hindi importante ang brand name dahil hindi na niya 'yon mapapansin lalo na kung napunit na niya ito! At saka hindi masiyadong maalam ang mga lalaki sa brand names ng mga panty. Kabahan ka na kung sinabi niya ang mga katagang "mas maganda ang triumph kaysa so-en"

"Ha? Paano mo nalaman?"

"Na-try ko na babe eh, duh?"

Naku, 'pag ganyan hiwalayan mo na kung ayaw mong maging pangatlong Mrs.Reyes!


At ang pinakahuli at pinakaimportante sa lahat...

Tip #6

Alamin ang size. Ang dyahe naman kung bibilhin mo at hindi kasya sa'yo.

Parang pag-ibig lang 'yan, alamin mo kung matibay ang kakapitan, kung ano ang tunay niyang pagkatao, kasi baka 'di mo alam nagbabagong anyo pala siya pagsapit ng gabi. Alamin mo rin kung anong gusto mo at kung ano ang makakapagpasaya sa'yo. Lalong hindi mahalaga kung anong estado ng buhay niya. Ang mahalaga ay wala kayong tinatapakang mga tao— pwera na lang kung pareho kayong higante— at mahal niyo at tanggap niyo ang isa't isa. Eeeeeeeeenayy! Thank you!

Sana ay may natutunan kayo sa akin mga kumare! Hanggang sa muli!

Kung may nais kayong ihingi ng tips sa akin, magsabi lang kayo sa comment section!

O siya sige, ituloy na natin ang kwento..

*tengenengenengenengenengenengenengeneeeeeennnnngggg*

Prince Charming    ...not. Where stories live. Discover now