Seven

1.3K 148 34
                                    

For those who requested for another one, nakaya naman so... 😊
Enjoy!


~''~

"Joyce.. Huhuhu.. Alam ko naman na kasalanan ko kasi umasa ako... Huhuhu. Okay lang naman umiyak diba? Huhuhuhu... Ang sakit", umiiyak ako habang naglalakad lakad kami ni Joyce, she suggested that instead of staying at home mas okay na maglakad lakad na lang kami sa subdivision, she thought that if we stay at home baka puntahan lang ako ni Mama.

"Joyce... Huhuhu... Magsalita ka naman"

"Kamukha talaga siya ni Mama Mary?"

"Joyce naman eh!", sabay hampas ko sa balikat niya.

"It was an honest question! Gusto ko lang siguruhin na ipinalit ka niya sa mas maganda sa'yo. Kaysa naman ipagpalit ka niya sa mas pangit sa'yo. Mas masakit 'yon", she said casually. Minsan gusto kong i-recall kung paano ko siya naging kaibigan. She sighed and stopped walking, so did I.

"Beshie, hindi ko sasabihing tigilan mo na ang pag-iyak. Dahil hindi 'yon makakatulong sa'yo. Iiyak mo lang 'yan, 'wag kang mag-alala I'll be here to make sure that you'll drink enough water to make you hydrated", she said tapping my back. "Ok lang 'yan, nangyayari talaga 'yan"

"Hay! Ano ba naman 'yan! Walang signal!"

Sabay kaming napalingon ni Joyce sa babaeng nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko, hinawakan ko nang mahigpit ang braso ni Joyce.

"Aray ha!", she hissed napalingon tuloy 'yong babae sa amin. Sumilay ang matamis na ngiti nung babae nang makita niya ako. Kumaway pa siya. Kumunot ang noo ni Joyce.

"Magkakilala kayo?"

"Siya 'yon", I said my eyes pinned on her and she's walking towards us.

"Umalis na tayo", hatak ko kay Joyce.

"Siya? Alin? Ano?"

"Siya yung bago"

"Oh, hawig nga ni Mama Mary", Joyce whispered as she come near us.

"Alis na tayo"

"Ano? Hindi!"

"Ano?"

"Ngumiti ka"

"Ha?"

"Ngumiti ka, ayan na siya"

"Hi!", she greeted.

"HI!", may diin at extra cheerful na bati ni Joyce.

"I know you"

"Me? Really. OMG. Nice to hear that, I know myself too"

The lady chuckled and I swear parang narinig ko sa background ang pagkanta ng mga anghel.

"Nakakatawa ka naman, pero hindi ikaw, 'yong nasa likod mo", she said. "Hi", she smiled. Tapos nasinagan pa ng araw ang pagngiti. Ghad. She's illegally beautiful!

"Ikaw 'yong nasa bahay nila Rich diba? Bakit nandito ka?", she asked sweetly, hindi ako makasagot kasi nakatanga lang ako sa mukha niyang maganda.

"Ah, sorry hindi pa ako nagpapakilala. I'm Marian", she said offering her hand for a handshake.

"Uh-", pati ba naman pangalan niya malapit kay mama Mary, samantalang ako plain and simple— "Nicomaine", sabi ko at himalang nakipag-handshake sa kanya. Pagkasabi ko ng pangalan ko hindi ko alam kung bakit mas lumiwanag ang mukha niya, naningkit ang mata and her smile went to mischievous from being friendly. Okay? Anong meron sa pangalan ko?

Prince Charming    ...not. Where stories live. Discover now