Chapter 5 - Pageant registration

261 10 0
                                    

G/N: Mapanakit na kanta rin 'e. 😫😅

---

Chapter 5

Sofia Ris POV

I really hate his guts! 

Naniningkit ang mga mata ko habang palihim na nakatingin kay Gabriel. Pa'no ba naman, naging sentro kami sa tuksuhan nitong mga kaibigan ko pagkarating namin ng canteen. Arg!

Umayos nalang ako ng upo at itinuon  ang atensyon sa cellphone ko.

Nagkunyari akong may kinakalikot.

"Hala hala oh! Umiiyas ka ba talaga niyan, Ris? Hala siya," natatawang sabi ni Lexie. Tinusok tusok pa ang tagiliran ko. "Ikaw Ris ha, kunyari kapa kanina na mag co-comfort room pero ang totoo hinanap mo talaga itong si Gabriel, ano? Tama? Ayiee!"

"Naku agawan na 'to, guys," natatawa ring tukso ni Abby. "Francis, bilis-bilis naman d'yan. Ikaw pambato ko rito!"

"Ako, basta kung sino gusto ni bff. Sa kanya ako boboto," segunda rin Rihanna.

"Girls, naasar na ang reyna natin sa inyo," saway naman ni Drake sa tatlo.  "Pero 'di nga, Ris? Type mo ba itong si Gabriel?"

"Oo nga naman. Type mo si pinsan, Ris? Francis, bro, aalis kana agad?"

Napa-angat ako kaunti ng tingin.

Pero sa kasamaang palad si Gabriel na naman ang nakita ko. Nakatitig pala ito sa akin. Pero tahimik lang ito.

Ba't ba ganyan ka makatingin?!  

"Klase ko na," sagot ni Francis kay Brent. Binalik ko naman agad ang atensyon ko sa phone ko. Ang totoo niyan, bigla akong nailang sa titig ni Gab. Kanina lang ay malanding maingay ito tapos ngayon tahimik na naman.

Hindi ko siya gets ha.

At sana hindi nalang ako nagpahila sa kanya kanina. Iba kasi talaga nararamdaman ko. Parang isa siyang ala-ala na matagal kong nakalimutan.

Hindi siya magandang pangitain.

"Teka, wala pala si prof Moreno, France," pigil sa kanya ni Lexie. "Stat yung next class mo, right? May emergency meeting sila ng faculty. Hindi pa ata sila tapos hanggang ngayon."

"Yun naman pala. Mamaya kana umalis, bro," salita uli ni Brent. Pinaupo pa ito pabalik. "Tuksuhan lang naman tayo at walang personalan. Wala rin naman kay Ris 'yan."

Nagsitawanan na naman uli sila.

Sa mga oras na ito, wala ako sa mood makipaglokohan sa kanila. Gusto kong umalis na. Mukhang wala rin kaming pasok mamaya. Sabi nga ni Lexie ay may meeting ang buong faculty.

Inayos ko ang gamit ko at tumayo na.  Lahat naman sila nabaling ang atensyon sa akin.

"What?" mataray kong tanong sa kanila. "I have some errands to do. Mauna na ako sa inyo. I'm also not feeling well. Iiwan ko muna kayo."

"Not feeling well daw. Umiiwas ka lang 'e," nakangising sabi naman ni Abby. "Guys, 'wag na kasi natin tuksuhin 'tong si Sofia Ris Ignacio. Baka itanggi na naman niya na hindi itong si Gab ang kasama niya pagkabalik dito sa canteen. Wala kaya tayong nakitang naka-akbay kanina."

"Mamaya ka na umuwi, Ris," pigil rin sa akin ni Rihanna at hinila ako pabalik ng upo. "Dumating lang itong si Gab nagbago na mood mo. Mukhang maniniwala na kaming may something ka sa kanya. Ayiee si bff oh! Yung akbay, normal lang sa states yun."

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa.

Hindi naman ako pikon na klaseng tao pero parang gusto kong mapikon ngayon. My gad! Ba't ba ako nagkaroon ng alaskador na mga kaibigan?

My Love From 70'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon