G/N: 😊🤭
---
Chapter 11
Sofia Ris POV
Bumangon si Alessandro at umupo. Inayos niya muna ang buhok niyang nagulo na medyo may kahabaan bago ako hinarap. Para siyang badboy na may pagka boy next door. Ang hot niyang tingnan sa itsura niya ngayon ah.
"A-Anong ginagawa mo dito, Alessandro?" tanong ko sa kanya.
Napakamot ito sa nuo at parang nahihiyang ngumiti. Mukha pa itong inaantok. Nagising ko ata siya sa ingay ko. I just hope not. Kung ako kasi, magagalit o maiirita agad ako.
"Nagulat ba kita, binibini?" tanong din niya. "Ako pala'y nakatulog dito sa puno na may bahay sa itaas. Hindi ko man lamang namalayan ang oras."
Humikab ito at nag-unat ng braso niya. Hindi siya masyadong nasisinagan ng ilaw dahil sa may kadiliman ang parteng kinauupuan niya. Kaya pala hindi ko siya napansin agad. Pero ito ngayon na napansin ko na siya, malaya na akong pagmamasdan ang pigura ni Alessandro.
Nag ge-gym ba siya? His biceps and triceps, they are so obvious. Pero wala naman atang gym sa panahon nila. Hindi pa naman ata uso iyon dati.
Nakasimpleng white t-shirt lang ito at blue board shorts. Bagay na bagay sa kanya.
Pasimple akong umiling.
Ano ba itong pinag-iisip ko? Para namang ngayon lang ako nakakita niyan. Ang mga kaibigan ko meron din naman.
Humikab na naman ito. Mukhang pagod na pagod siya ah. Mabuti nalang at hindi pa ito nakatingin sa 'kin dahil segurado akong malalaman niyang nakatitig ako sa kanya.
"Balak ko sanang ika'y balikan para kunin ang iyong pinagkainan ng makita ko si Inang Amor na pinapapasok sa loob ang mga padalang kahoy mula ata sa bayan. Tinulungan ko muna ito kasama si Mang Gado. Kaya naman hindi kita napuntahan agad, binibini. Ngunit, ang sabi ni Inang ay hayaan daw muna kita at baka ikaw ay magalit na naman sa 'kin. Ayaw na ayaw mo pa naman daw na may pumapasok sa iyong silid na ibang tao. Pagpasensyahan mo sana ang aking inasal binibini. Kaya ito at napag desisyonan kong mamalagi muna dito sa puno na may bahay. Nang makita ko kasi ito ay agad ko itong pinuntahan."
Kaya pala.
Bigla tuloy akong nakonsensya sa ginagawa kong pagsusungit sa kanya.
Hindi naman niya kasalanan kung natapilok ako. I'm just a big clumsy. Isa pa, gusto lang naman niyang gumaling ako agad. Lalo na nung inapoy ako ng lagnat kanina. Thanks to him dahil maayos na pakiramdam ko ngayon. Hindi na ganun kasama.
Tiningnan niya ang paa ko.
"Natutuwa akong maayos na iyong paa, binibini," salita na naman niya.
This time napairap naman ako. Gusto kong takpan ang halong guilt feeling at fondness sa kanya. Alessandro is too good. Natitiis niya kasungitan ko.
"Hindi ba sabi ko 'wag mo akong tawaging binibini," pagtataray ko sa kanya.
"Piang," sabi niya at tumango-tango pa' to. What the? Anong Piang pinagsasabi nito? "Piang nalang ang itatawag ko sa 'yo. Mula sa iyong magandang ngalan na Sofia. Sopiang!"
Piang? Sopiang? Yun pala. Tunog luma at ang bantot pakinggan pero ba't parang hindi naman ako naiinis sa tawag niyang 'yon? Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Unconsciously.
"Palagay ko ay nagustuhan mo ang ngalan na aking ibinigay, Piang." Nakangiti ito ngayon na nakatingin sa 'kin. Naaliw ata sa reaction ko kaya napataas ako ng kilay. "Bagay na bagay sa iyong napaka-among mukha ang iyong ngalan. Pati na rin ang ganda at lamig ng iyong tinig. Nasabi ko na bang, napakagandang awitin ang iyong inawit kanina? Ako'y nabighani."
BINABASA MO ANG
My Love From 70's
Historical Fiction"When I choose to like someone, I am definitely loving that someone. I don't care about others anymore. When I met you, I know I will love you." - Gabriel Vos "Kahit anong mangyari binibini hawakan mo lang ang aking mga kamay at 'wag kang bibitaw...