G/N: Hi Angels. Inlab ako. Choss 🥺🤪
--
Chapter 14
Sofia Ris POV
Something is really wrong with me lately.
Napahawak ako sa ulo ko. Sumasakit na naman kasi ito. There are vague images popping inside my head.
Parang may mga ala-ala akong nakatago. I don't know. I feel like I'm a different person trap in a different body.
Is this even possible?
Nagka-amnesia ba ako? Gosh. Nagka amnesia ako at nakalimutan kong nagka-amnesia ako. Ganun ba yun?
What the heck Sofia Ris! Ano ba 'yang pinag-iisip mo. Ang ewan lang. Duh.
Dumagdag pa ang isang 'to.
I sighed.
And why this girl is so freaking emo again? What's with her again and again? I thought she is okey already.
"Ris? Ris, a-ano ba dapat kong gawin?" tanong niya ng 'di na ako nagsasalita. I bet it's his ex again, the one who cheated on her. Ito lang naman ang madalas na topic namin at sinasabi niya. "Gusto kong makalimot sa nangyari. Mababaliw na ata ako. Bigla-bigla ko nalang naaalala lahat."
Kadramahan talaga ng babaeng ito.
Minsan nakakaumay na.
"Look, Rihanna," umpisa ko at inilapit uli ang phone sa may tenga ko. Paulit-ulit nalang kasi kami. Nakaraan pa ito. "That’s normal. Hindi naman ganun agad mawawala kasi 'yan. Okey? When we love, we really love. Ganyan naman tayong mga babae 'e. Believe me, I understand where you were coming pero nakakarindi ka lang kasi' no. Itigil mo na kasi iyang kadramahan mo sa mga lalaki na wala namang kwentang pag-usapan. Kahit anong sabihin ko sa 'yo wala parin namang nagbabago sa kadramahan mo."
"Grabe. Naalala ko lang naman," sagot niya. "Pero Ris, naisip ko lang kasi. Bakit ganun? Kung sino pa yung totoo, sila pa yung naloloko? Why it's easy for them to hurt a keeper like me?"
Napabuntong hininga ako.
Ganito nga seguro kapag broken hearted. Madalas nakwekwesyon mo yung worth mo pagdating sa love. Maging ang pagkatao mo at kapasidad na magmahal.
"Ganun talaga,"sabi ko."Hindi naman kasi lahat ng gusto mo ay gusto ka rin. Cheaters are not worth to wait. Okey? They are waste of time. Look, if he is really into you, he will not do nasty things behind your back. Think of that, Ri at wag kang tanga lang."
Napahawak ako sa may sentido ko. Kapag ganitong topic parang gusto kong magwala at magalit sa mga taong nanloloko. Arg. May naalala na naman ako. Itong babaing ito kasi.
"Psh. Hindi pa ako nagkaroon ng karelasyon, you know that,"pag patuloy ko pa." And I'm not an expert here for pete's sake! Hindi mo ba naisip that I’m tired and occupied too? Ri, kung nag-iisip ka pang babae ka, hindi kana dapat umaasa dun. Wala kayong pag-asa dalawa. Ang tanga lang kasi pakinggan na ikaw pa itong atat. Nagmumukha kang desperada sa ginagawa mo. Ito nalang ba ang laging pag-uusapan natin? Like, seriously? Hindi ka nga nakikinig sa akin 'e! Kakairita ka!"
I burst it out.
Napabuga ako ng hangin at inilapag sa mesa ang phone. Niloud speaker ko nalang ito. Nahighblood ata ako dun.
At mas lalong sumakit ang ulo ko.
She overrated the love.. so much.
Kung ako lalaki, ayoko ng masyado akong mahal. Nasasakal ako sa ganun. I want to breath and do my thing.
BINABASA MO ANG
My Love From 70's
Historical Fiction"When I choose to like someone, I am definitely loving that someone. I don't care about others anymore. When I met you, I know I will love you." - Gabriel Vos "Kahit anong mangyari binibini hawakan mo lang ang aking mga kamay at 'wag kang bibitaw...