G/N: Kumusta, angels? 😊
---
Chapter 13
Sofia Ris POV
Nakarating agad kami sa El Grande mall. Sobrang laki at sikat ng mall na ito kaya hindi nakakapagtaka at kanina pa namamangha si Alessandro. Para na nga itong ewan. Palinga-linga ito sa paligid. Nabubunggo pa sa mga nakakasalubong namin. Mygad!
And as usual.. 'ipagpumanhin mo binibini at patawad ginoo' ang laging sinasabi niya. Mabuti nalang talaga at walang nagagalit sa kanya. Nagtataka lang ang mga ito.
Pero bilib din ako sa lalaking ito.
Alessandro has this charisma that will make you calm and smile. He is also a head turner. Kahit simple lang suot nitong t-shirt at pants. Marami paring napapalingon sa kanya. Kagaya ng mga babaeng kasabayan namin sa paglalakad ngayon.
Napapailing nalang ako.
Pero mas trip kong manabunot ng mga makikiring Babae ngayon. Mygad!
Omg girls. Ang gwapo niya oh!
Kyahh! Ang hot niya kahit simple lang.
Shit! Mukha siyang inosenti pero grabe lang girls. Ang yummy niya tingnan!
Oo nga. Pero mukhang ang mamaldita ng mga kasama niya. Lalo na 'yong nakahawak sa kanya. Gf niya kaya?
Hmp. Pangit niya. Mas maganda pa 'ko d'yan 'no at sexy pa. Kami ang mas bagay.
Laughtrip. Mas maganda at sexy sa' kin? Wala atang salamin sa kanila.
I'm sure ako tintutukoy nila. Ako lang naman kasi ang nakahawak kay Alessandro dahil hinihila ko ito para tumabi. Kung saan-saan kasi nabubungo. Si Rihanna naman busy sa phone niya. Gosh. Nae-stress ako ha.
Pinandilataan ko ang mga babae na kasabayan namin lalo na yung babaeng huling nagsalita. Napaatras naman sila at kumaripas ng lakad.
Tss. Mas maganda raw sa 'kin?
"Grabehan, dzai," natatawang sabi ni Rihanna sa 'kin. "Isang tingin mo lang natakot na sila sa 'yo. Ikaw na talaga, Ris."
I just rolled my eyes.
Atleast dilat lang at hindi ko sila pinagtatalakan. Mapapahiya talaga sila.
"Whatever," sagot ko kay Rihanna. "They are just trying hard bitch. Bagay lang sa kanila ang pandilatan. Besides, they should be thankful that I didn't slap them the reality. Ang lakas makasabi ng panget, 'e mas makinis pa pwet ko sa mukha nila."
"Wow ha. Sana all naman makinis," natatawa nitong sabi tapos kinalikot uli ang phone niya. Mukhang may tumatawag sa kanya. Ang busy ngayon ng babaing ito. "Teka lang, Ris. I'll take this call. Sa bahay na naman ito. Ahay naku talaga. Wait lang."
"Go ahead," sagot ko at itinabi uli si Alessandro sa gilid na nakatingala na naman. He's busy looking at those big chandeliers. Ako naman tiningnan muna ang phone. Wala pang message si mommy. Napaka workaholic talaga.
BINABASA MO ANG
My Love From 70's
Historical Fiction"When I choose to like someone, I am definitely loving that someone. I don't care about others anymore. When I met you, I know I will love you." - Gabriel Vos "Kahit anong mangyari binibini hawakan mo lang ang aking mga kamay at 'wag kang bibitaw...