Chapter 9 - Mahalina

156 8 0
                                    

G/N: Stay In Memory.

---

Chapter 9

Sofia Ris POV

Hinabol ko si Alessandro dahil may kutob akong may hindi magandang mangyayari sa araw na ito. Ewan ko ba. Ang lakas ng kutob ko. Something like, I should not let him go.. yet.

"Alessandro wait!" tawag ko sa kanya. Si Rihanna hindi pa ata nakasunod. "Gosh! Can you please stop walking!? Oh dammit!"

Natalisod pa ako.

Putragis ang sakit ng paa ko! Sa'n ba galing ang batong 'yon ha? Hindi tuloy ako makalad ng maayos ngayon.

"Ris! Sandali lang!" sigaw ni Rihanna. Nilingon ko ito. Ang gaga, kanina pa nakatulala or more like 'di ata makakilos? I'm not actually sure kasi parang nagpupumilit itong gumalaw.

"Anong nangyayari sa 'yo?" tanong ko.

"H-Hindi ko alam," sagot nito habang pinipilit paring makagalaw. "Ris, anong nangyayari? B-Bigla nalang hindi ko magalaw ang mga paa ko nung susundan na sana kita."

Napahawak ako ng ulo ko. "I can't believe this is really happening."

"S-Sa.. S-Sa l-likod mo, Ris!"

"Wag mo 'kong takutin Ri," sabi ko. Biglang parang lumamig na naman kasi. Kinikilabutan ako. Kanina pa 'to. "Alam mo namang m-matakutin ako."

"Kaya nga umalis ka na d'yan sa pwesto mo. Tumakbo kana.. dali!"

Ba't ako tatakbo? Kahit kinakabahan ako at natatakot ay nagdahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Gusto kong makita kung anong meron dun.

Napaatras ako sa gulat.

May isang malaki at nakakatakot na butas ang biglang lumabas malapit sa malaking puno. Portal ata ang tawag d'yan. Kulay itim ito at may mga maliliit na parang kidlat, paikot ikot ito sa loob. Feeling ko hihigopin agad ako nito sa isang maling hakbang ko lang. Mas lalo akong kinabahan. Shit!

Akala ko sa mga movies ko lang makikita ang ganitong nakamamanghang bagay. May ganito rin pala sa totoong buhay. Totoo pala!

Hinanap ng mata ko si Alessandro.

Nasa'n na ang lalaking 'yon?!

Baka nahigop siya ng malaking butas na iyan kaya wala siya. Bigla akong nataranta. Hindi pwedeng mawala si Alessandro.

Pero ba't ako naman ang hindi makakilos ngayon? Pinipilit kong gumalaw pero wala paring nangyayari.

"Shit this," mura ko.

Sana panaginip lang ito.

Ang hirap makakilos. Napatingin ako sa paa ko na unti-unting umaangat. Hinihigop ako ng malaking bilog! Gusto kong umiyak. Katapusan ko na ba?

"Ris!" sigaw ni Rihanna. Di parin ito makakilos. "Tulong! Ang kaibigan ko! Dyosko Lord! Tulong! Tulungan niyo kami!"

Binabawi ko na pala 'yong sinabi ko kanina. Hindi pala ito nakakamangha. Nakakapangilabot pala! Nakakatakot!

Sino ba hihingan ko ng tulong?

Feeling ko ako lang ang kailangan ng elementong lumalabas sa harapan ko ngayon. Si Rihanna hindi rin makakilos.

I am so scared! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot. Hindi ko maipalawanag.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa braso ko at yumakap ng mahigpit sa tagiliran ko. Si Alessandro.

"Pakiusap, 'wag ang binibini!" sigaw niya. Palinga-linga ito na parang may hinahanap sa paligid. "Nakikiusap ako. Ibalik mo nalang ako sa taon ko.
Ako ang nararapat na umalis at bumalik sa kung saan man ako galing. Kaya 'wag ang binibini. Iyan ang pakiusap ko."

My Love From 70'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon