G/N: Kumusta, angels?
---
Chapter 8
Sofia Ris POV
Pinagbihis ko ng maong pants at polo shirt si Alessandro. Mga dating damit na ito ni dad. Good thing that they are still all new at kasya rin ito sa kanya.
Ang dami pa niyang tanong.
He is so.. naive.
Kanina, pinagamit ko ito ng shower. Tapos bigla ba naman niyang kinuha agad ang kumot para sumilong raw kami. Akala niya umuulan ng malakas.
It's almost 9 o'clock in the morning now and we are taking too much time.
Ang ignorante niya.
May pupuntahan pa kami.
"Anong maaring gawi--"
"You know what? Ang stupido mo!"
Natahimik ito at napaiwas agad ng tingin. Sumobra ata ako sa sinabi ko. Alam ko namang bago lang sa kanya ang mga nakikita niya, but that doesn't mean he is stupid. Mali ako at hindi ko dapat nasabi yun. Bigla tuloy akong na guilty at ang puso ko, ba't parang may pitik ng sakit na naramdaman pagkakita kong nalungkot ito? Parang gusto ko siyang yakapin para humingi ng sorry. Pero hindi naman ako ganun at baka magtaka siya.
"Huy Sofia Ris Ignacio. Grabehan ka, dzai ha," biglang talak ni Rihanna sa 'kin. Hinila niya ako palabas ng kwarto. Nasa guest room kasi kami. "Ris, dzai, naririnig ko boses mo sa labas. Hindi kanaba naaawa sa kanya? Kay Alessandro? Ayusin mo ang pagkausap sa kanya. Hindi 'yong naka full volume ka palagi o kaya naman tinataasan mo ng kilay. Wala namang ginagawang masama 'yong tao tapos minamalditahan mo. Tandaan mo, ikaw may kasalanan kaya nandito siya ngayon sa puder mo."
Binalikan ko ng tingin si Alessandro.
Nakatayo ito sa may bintana.
Mukhang may iniisip ito.
Napalingon ito sa direksyon namin pero agad ding nag-iwas ng tingin pagkakita sa akin. Ang maldita ko ba talaga sa kanya? Ang sama ko na bang ibunton sa kanya ang frustration ko?
Gusto ko lang naman panatilihing itatag ang pader ko. Pero parang natibag niya ng hindi ko man lang nabantayan. At hindi maganda iyon.
Napabuntong hininga ako.
"Alam mo naman na ganito na ako, Ri," depense ko. Oo at maldita ako pero hindi ako ang klase ng taong mapang-api lalo na ng walang dahilan. "So, what do you think how will I deal with him kung madali lang mag-init ang ulo ko, Ri? I.. I really have no patience when it comes to this. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit bigla akong naiinis sa kanya."
"Try being friendly lang, Ris," sagot nito. "Ang bait-bait nung tao. Isa pa nag-aadjust siya sa panahon natin kaya ikaw rin sana mag-adjust sa kanya. Tsaka, hindi mo ba naiisip na baka ikaw ang itinakda para gabayaan siya? Kaya ayusin mo."
"Huh?"
Nagloading ata ako sa part na gabayan. Ano ba itong pinagsasabi ni Rihanna?
"Huh Huggies, dzai."
Napaikot ako ng mata.
Dzai minsan tawag niya sa 'kin. Dzai o inday mga sa aming bisaya. Ang baduy nga pakinggan pero trip niyang gamitin kapa kausap ako para matalak lang.
"At mature ka na niyan, dzai?"
Natawa naman ito.
"Grabehan ka talaga, dzai," sabi niya. "What I mean is that, hindi kaya may misyon siya at sa pamamagitan mo magagawa niya iyon. Sofia Ris Ignacio, listen.. parang nakikita ko na 'e. Maybe, it's not just an accident. Alam mo yung nangyari ng mga oras na yun? Malakas ang kutob ko na it is maybe fate! Tama! Fate brought him here in our time and that's what we need to find out."
BINABASA MO ANG
My Love From 70's
Historical Fiction"When I choose to like someone, I am definitely loving that someone. I don't care about others anymore. When I met you, I know I will love you." - Gabriel Vos "Kahit anong mangyari binibini hawakan mo lang ang aking mga kamay at 'wag kang bibitaw...