G/N: Kumusta, dear angels? 😁
---
Chapter 7
Sofia Ris POV
This is really indeed impossible.
Pero parang totoo talaga eh.
The way he speak? It's so.. poetic?
Mamula pa nga ito pagkakita sa amin ni Rihanna with our silk night sleep wear. Parang ngayon lang siya nakakita ng babaeng nagsusuot ng maiiksing damit.
Mukhang siya pa nga ang nahiya ng makita kami, more like hindi talaga siya makatingin sa amin dahil nga halos nakahubad na raw kami sa suot namin. Kung ibang lalaki yun ay maglalaway na seguro o 'di kaya naman ay wala lang sa kanila kagaya ng mga barkada namin.
"Ako nahihilo sa kalalakad mo, Ris," reklamo ni Rihanna sa akin ng 'di ako matigil sa kakaparoo't parito ng lakad dito sa sala namin. "Baka nga talaga totoo nga sinasabi niya sa atin. Baka nga rin may magic sa punong balete na yun. Nakakakilabot kaya ang kwento mo pagkatapos magising si mystery guy pagkarating natin. Pero infairness, ang gwapo niya ha. Hala! Baka nga engkanto yun tapos may magic din. Ganun naman yung mga enchanted people, tama? Kaloka ha."
Nagkunyaring kinikilabutan pa ito.
Pero magic?
Maniniwala pa ba ako sa magic na puro makabagong teknolohiya na ang gumagawa ng lahat? Isa pa imposible talagang makarating ang lalaking yun sa ganitong taon. Like how, diba?
Pabagsak akong umupo at isinandig ang likod sa mahabang sofa. Si Rihanna nakasunod lang ng tingin sa akin.
"Ang laki-laki mo na naniniwala ka pa sa magic?" sagot ko naman. "Baka drug addict kamo ang lalaking yun at feeling niya siya si Macario Sakay."
"Hay naku, Ris," umiiling pa ito at itinuro ang nagsisibak ng kahoy malapit sa dirty kitchen namin. Kasama nito si Inang Amor. "Tingnan mo oh. Ang inosente niya sa lahat. Pero matulungin, masipag at gwapo pa."
Yeah right, Ri.
Napaikot ako ng mata.
Kompleto naman ang panluto namin pero ba't kailangan talagang sa kahoy magluto? It's so primitive. But according to mom and inang, mas masarap ang luto ng pagkain kapag sa kahoy ito.
It's a fire of love.
There's this story about the fire and the wood. Si Kahoy and Kayu.
I'm not sure who's the author of it.
Kweninto lang nina inang and mom 'e.
Basta na-inlove raw sa isa't-isa ang dalawang diwata pero contradict sila dahil ang batas ng kalikasan ay hindi sila pwedeng magsama. Masusunog kasi ang kahoy sa apoy. Pero dahil nagmamahalan sila ay nakagawa sila ng paraan. Nagtatagpo ang dalawa sa tuwing may nagsisiga. Nawawala rin ang apoy kapag nauubos na si kahoy.
At kapag daw sa uling tayo nagluluto ay mas masarap daw ang pagkain.
Yung mga grilled food especially.
'I Love You, Kayu,' ang madalas sabihin ni Kahoy dito sa tuwing nagkakasama silang dalawa.
Against all the odds daw ang story nila pero dahil sa pag-iibigan nila ay naging posible ang imposible sa dalawa.
Ang korne nga 'e. Duh.
Alamat lang seguro yun ng uling.
Kahit may sarili kaming restaurant, ang madalas na gamit naming pangluto ay kahoy talaga. Mga putaheng pinoy ang specialties namin kaya patok sa masa at sa mga foreigner na gustong matikman ang pagkaing pinoy.
BINABASA MO ANG
My Love From 70's
Historical Fiction"When I choose to like someone, I am definitely loving that someone. I don't care about others anymore. When I met you, I know I will love you." - Gabriel Vos "Kahit anong mangyari binibini hawakan mo lang ang aking mga kamay at 'wag kang bibitaw...