Chapter 12 - Bitterila

172 13 0
                                    

G/N: Me right now.. 🥴🤪😌😬😵😒

Hi Angels. Salamat sa paghihintay. 😘

---

Chapter 12

Sofia Ris POV

It was a cold yet refreshing night.

Ang ganda ng gabi. Uulan sandali tapos malamig na naman ang panahon. I like this kind of weather. Pero kahit gusto ko ito parang may malungkot na pangyayari rin akong nararamdaman na hindi ko maalala.

Pumikit ako.

Okey din palang kausap itong si Alessandro. Masyadong nakakadala ang mga kwento niya. Maaliw ka sa kainosentihan pero may punto naman.

He is very careful and honest. Ang ugaling 'yan ang napansin ko. Kabaliktaran sa una kong naiisip sa kanya.

I am hooked.

Pero bigla akong natakot sa nangyayari sa akin dahil hindi naman ako ganun basta-basta nalang nagtitiwala sa tao and it is alarming.

Alessandro's innocent yet honest eyes makes me want him. I don't know. Parang yun ang nararamdaman ko. It's like, he is already within my system at ayoko ng ganitong pakiramdam. Mali ito. Dapat iwasan ko 'to.

Pinaglalaruan ba ako ng pagkakataon?

Pwede ring may kinalaman si tadhana ng walang forever dito. Because I swear, hindi ko gusto 'to.

He has Mahalina in his life .

His one great love.

At wala akong balak na dumadag sa kwento ng buhay pag-ibig niya.

Tinitigan ko ang may kalakihang kwaderno sa harapan ko. My diary. I don't tell people what's inside my heart. They only know how bitter I am to men. They don't know, I am broken.

Kung papipiliin seguro ako between my diary and people? Mas pipiliin ko seguro na isulat nalang ang nararamdaman ko kaysa pag-usapan ito.

Dear You,

Hey! Hey hey pi birthday! Hooray!

Arayt. Geez. I know ang pangit ng intro ko. Gusto ko lang maging magaan ang kwento ko. Ang bigat kasi. Ang bigat ng boobs ko. Char lang! Haha. Di pala kalakihan 'to.

Fine. Ito na. Magsasabi na 'ko ng saloobin ko, diary. Ikaw lang naman kasi ang nilalabasan ko ng ano... ng nakatagong feelings ko.

I scratched it. Hindi bagay sa' kin maging funny girl. Gosh. Ang isip bata ko sa sinulat ko. It's so not me. Ang introduction palang parang mas nainis pa ata ako sa sarili ko. Mygad.

Tinapon ko ang pinunit kong papel sa basurahan. Nasa ilalim lang ito ng study table ko. Nagsulat uli ako.

Dear You,

Naniniwala ka ba sa magic? I thought kasi magic don't exist. Akala ko rin diary na he is just pretending and just making stories and all. But I was wrong. Yes, diary, I am referring about Alessandro. Ang lalaking nasagasaan ko.

My Love From 70'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon