Suot ang isang black leather jacket, black pants, black boots at black cap ay ready to go na si Rid for her mission for today. Kung titignan sa kanyang pustura aakalain mong isa siyang aksyon star na reading ready ng sumabak sa isang matinding barilan at bugbugan.
"Camera check! extra battery check! Ok! I'm good to go! " at agad niyang sinirado ang sling bag niya at madaling ikinublit sa kanyang kaliwang braso.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kuwarto, nang makitang wala tao ay nag madali siyang bumaba ng hagdan, hindi paman siya tuluyang nakababa ay nakita niya ang yaya niyang palabas ng kusina agad naman siyang napa akyat pabalik sa taas para magtago.
Nang masiguro na wala na ang yaya ay mabilis na siyang bumaba ng hagdan, pagapang pa siyang pumunta sa garden nila. Nagulat pa siya nang makita ang isa sa mga body guards niya na ngingiti-ngiti habang may kausap sa telepono.
"Ano ba yan kay aga-aga nag gigirlfriend kana naman Papi Eddie!" bulong niya pa, nang akmang tatalikod ito ay mabilis siyang gumapang papunta sa wall ng garden nila. Agad siyang nakapagtago sa mga halaman nang lumingon ang guard.
Nang masiguro na safe na siya ay dahan-dahan na niyang hinawi ang mga halaman na tumatakip sa sekritong lagusan niya palabas ng bahay. Tinanggal niya yong tinakip niya na aakalain mong semento kung titignan, agad siyang sumuot dito.
"Ahh!! Ouch! lumalaki na ata ako! kailangan ko ng mag diet!" Bata pa siya mula ng gawin niya itong lagusan kaya sa ngayon na dalaga na siya ay di na halos siya mag kasya. Sa may mga halaman din ang labas niya, sa gilid lang din ng gate nila. Kaya palagi lang din siyang nahuhuli dahil na cacapture siya ng cctv nila sa bahay.
Nagulat pa ang mga dumaan sa kalsada ng makita siyang gumagapang palabas ng halaman. Aakalain talaga na magnanakaw siya, at gapang bahay ang modus niya.
"Don't worry this is my house! " paliwanag pa niya sa mga tumitingin habang nag papagpag ng dumi sa damit. Ngingiti-ngiti pa siya sa mga ito, nang biglang bumukas yong gate, napalingon siya agad.
"Princess!! " humahangos pa na sigaw ng isang body guard niya.
"Oh my! I better go!" mabilis niyang nadampot ang bag at tumakbo palayo.
"See you later Papipis!" nilingon at napakaway pa siya sa tatlong body guards niya na hindi na nakahabol sa bilis ng takbo niya.
Nang makarating na siya sa mall ay agad na siyang pumwesto! Naupo muna siya sa may bench, agad sinuot ang kanyang shades at inilabas ang camera. Maglalagay pa sana siya ng mask ng biglang dumaan sa harap niya ang target niya."Oh shocks!" at mabilis na nagkunwari nag babasa ng libro na agad naman niyang nakuha sa bag niya, ready talaga siya may props pa. Nang makalayo na ang target niya ay agad na siyang pumwesto sa likod ng poste.
"Aaay! DM!! ang gwapo mo talaga!!!" napadaosdos pa siya pababa sa poste sa sobrang kilig niya.
Nang mapansin na may nakatingin na sa kanya ay agad naman siyang umayos sa pagkakatayo. At sinimulan na niyang kumuha ng litrato.
"Yan sige lang smile kalang Papa DM! hehe!" kilig na kilig pa siya sa kanyang ginagawa.
Si DM lang talaga ang kinukunan niya kahit pa kasama nito ang girlfriend ay kina crop nalang niya. Yes may girlfriend na si DM long term girlfriend actually, alam niya ito dahil simula pa naman noong high school ay ini stalk na niya ang lalaki. Alam na alam niya ang mga hobbies nito, favorites at pati schedules nito kabisado din niya. At pati itong date ni DM kasama ang girlfriend ay nasagap din ng radar niya.
BINABASA MO ANG
Stalking the Stalker
Teen FictionAre you a stalker? Do you need any stalking techniques? Or need any stalking advices? If Yes! Yes! Yes! Then you better read this story! 😊 ***************************************** Meet Rid Aboitiz, a Certified Stalker in town! She has been stal...