Chapter 12

1 0 0
                                    


     "Good morning Ms. SFAC!!!" ang masiglang bati sa kanya ng tatlo niyang kaibigan sina Tristan, Josh at Clarence, inakbayan pa siya ng mga ito at sabay silang naglakad, napa lingon naman siya sa likod nakita niya si Ash, na nag wave sa kanya, nginitian lang niya ito.

     Kwento ng kwento ang tatlo tungkol sa pageant para talagang sila ang sumali sa dami ng experiences nila.

     Natawa nalang siya, di pa rin siya binitiwan ng mga ito.

     "Hi Ms. Rid!" bati ng isang lalaking nakasalubong, agad niya itong nginitian.

     Ngunit pansin niyang mukhang na takot pa tuloy ito, at mabilis na umiwas, nang lingunin niya ang tatlong katabi ay nahuli niya pa si Clarence na nakadilat pa.

    Napa ngiti nalang si Rid, kaya naman pala natakot, pinandilatan ng tatlo.

    Ganoon din ang mga sumunod na bumati sa kanya, maliban lang kung babae dahil ang mga boys pa ang agad nag rereply.

    Pag dating nila sa building ay natigilan pa silang magkakaibigan, napatulala.  Tinutuo nga ni Dean ang sinabi nito na mag papa print nag tarpaulin na malaki, nag mukha pa tuloy na billboard.

    Hindi lang picture nila ni Ash ang nandoon, kundi ang group picture nila kasama syempre si Dean, mga faculty members, Sir Ace niya, mga kaklase at iba pang marine students.

    Natawa nalang si Rid, cute naman ang kuha naka wacky posed pa ang mga ito, samantalang naka ngiti naman siya't naka peace sign pa, habang naka halik sa pisngi niya si Ash.

    "Grabe! seryoso pala si Dean!" di makapaniwalang sambit ni Josh.

    "Oo nga, di pweding biruin!" bulong naman ni Rid.

    Biglang tumunog ang bell, nagkatinginan pa silang lima, at agad nag unahan papunta sa hagdan, agad naman siyang nahablot ni Ash at na una na sila sa pagtakbo, habang ang tatlo ay abala pa sa pag tutulakan dahil ayaw magpatalo.

   "Mukhang may malilate ngayon ah!" tuwang-tuwa na sabi ni Rid.

    Ilang araw narin ang nakalipas,  tinutoo rin ni Rid na hindi na magpakita sa kambal, pag nakikita niya ang mga ito sa malayo ay nagtatago agad siya.

   Pinipigilan rin niya ang sarili niyang i-stalk ang Papa DM niya.

    Dahil hindi niya kayang itapon ang mga pictures at ibang pang gamit niya na may kinalaman sa kambal ay itinago nalang niya ito sa kahon.

     Matagal-tagal din ang ginawa niyang pang sstalk kaya mukhang matagal-tagal din bago siya maka move on.

     Inaaliw nalang niya ang sarili sa ibang mga bagay.

      Kasalukuyan siyang papunta ngayon sa library,  doon muna siya tatambay habang naghihintay sa klase niya, abala kasi sa mga girlfriend nila ang mga kaibigan niya. Si Ash ay busy din daw bigla-bigla nalang nawawala, kaya mag isa siya ngayon.

    Di paman siya tuluyang makapasok sa library ay nakasalubong na niya si Misis Barrio - ang librarian nila.

   "Good afternoon Missis Barrio!" bati niya.
 
    "Good afternoon din sayo Ms. Aboitiz! Saan ka sa library? mag aaral ka ba?"

    "Opo sa library po muna ak---" nang biglang mahagip ng mata niya si DJ na palabas ng library.

    " Ay hindi na po babalik nalang ako! Bye Missis Barrio!" nagtaka naman ang matanda ng bigla na siyang tumakbo palayo ni hindi pa nga siya nakakapasok sa loob.

    "Parang sira!" na bulong nalang ni DJ, palagi nalang ganito ang eksina nila sa tuwing magkakatagpo ang landas nila.

    "Aaaaarrrgghhhhh!!!" inis na inis na pinag susuntok ni DJ ang punching bag sa gymn nila.

Stalking the StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon