Swim suit competition na. Itinali ng hair stylist ang buhok niya.
"Ah, pwedi po bang mag lugay nalang ako? para naman matakpan ng kunti yong dibdib ko." ani pa ni Rid sa bakla.
"No honey, mas bagay kung naka messy bun ka, ang ganda mo kaya! at bakit mo naman tatakpan ng buhok
ang dibdib mo? haller! kahit hindi yan kalakihan bagay naman sayo!"" Ha? ah hehe! nakakahiya eh!"
" Wag kang mahiya, ikaw ang angat sa lahat! effortless kaya ang ganda mo oy!"
Iisang design lang ang suot nilang swim suit, pagandahan nalang sa katawan at pagdala ang labanan nila.
Naka suot pa siya ng robe, habang naghihintay sa hudyat ng emcee.
Hindi niya parin mahagilap si Ash, mukhang hindi parin ito tapos mag ayos.
Ano pa bang aayusin noon eh swimming trunks lang naman ang isusuot noon?
Baka nagmadali pa yong mag sit up, para man lang magkaroon ng kunting abs.
Lihim pa siyang natawa sa kanyang naisip.
Pinapila na sila ng organizer para sa pag pasok nila, napa sulyap siya sa kabilang dulo di parin niya makita si Ash.Isa-isa nang nag hubadan ng wardrobe ang mga kasamahan niya at nagsimula naring rumampa sa stage ang ilan.
Two more to go at sila na ang susunod, napa sulyap ulit siya sa kabilang dulo, para naman siyang nabunutan ng tinik ng makita niyang kakadating lang ni Ash.
Sumampa na sa stage ang candidates no. 9 at sila na ang susunod.
Tumango sa kanya si Ash kaya napa tango narin siya.
Napa ngiti sa kanya si Ash, at sabay pa silang sumampa sa stage at nag pang abot sa gitna.
Paglabas nila ay tila na tigil ang hiyawan, paano kasi balot na balot parin sila.
" Shit your robe! take off your robe!" sigaw ng organizer sa gilid nila.
Nagbitiw sa pagkaka yapos ang dalawa at sabay pa silang dahan-dahang nag tanggal ng robe nila at itinapon nalang ito basta sa gilid.
Agad namang naghiyawan ang lahat sa gymn. Nang nagsimula na silang rumampa.
Litaw na litaw si Rid sa black two piece suit niya, di hamak na mas umangat nga ang kulay niya sa lahat, puting hindi putla kundi puti na namumula-pula pa.
Napa sulyap si Rid sa kabilang dulo kay Ash, napa ngiti pa siyang makita itong naka swimming trunks.
Dumako pa ang tingin niya sa tiyan nito.
"May abs pala ang loko!" na isip niya, nagulat pa siya ng mahuli siya ni Ash na nakatingin siya sa katawan nito.
Nginitian lang niya ito at tsaka nag lakad papunta rito, nag pang abot sila gitna, nagulat pa si Rid ng bigla inabot ni Ash ang kamay niya at ipinulupot sa mismong bewang nito.
Napakapit tuloy siya sa matigas nitong abs.
Napa singhap din siya ng mabilis ding nahagip ni Ash ang maliit na bewang niya. Tanggal narin ang pagkakatali ng buhok niya.
"Ang sexy naman ni baby girl!" bulong nito na gulat si Rid but still she manage to play his game.
"Nice abs Ash!" at lakas loob niyang hinimas ang tiyan ni Ash. Naghiyawan ang lahat sa ginawa ni Rid.
BINABASA MO ANG
Stalking the Stalker
TeenfikceAre you a stalker? Do you need any stalking techniques? Or need any stalking advices? If Yes! Yes! Yes! Then you better read this story! 😊 ***************************************** Meet Rid Aboitiz, a Certified Stalker in town! She has been stal...