Chapter 3

2 0 0
                                    

     Biglang na gising si Rid nang maramdamang nag vibrate ang phone niya sa bulsa, may tumatawag.

    "Hello!?" pikit matang sagot niya.

    " Princess!!! Where are you? Kanina ka pa namin hinahanap!" nag aalalang bungad sa kanya ng Papi Dick niya.

     Agad siyang napa mulat, nagulat pa siya nang makitang nasa library parin siya, napa sulyap din siya sa relo niya pass 5 pm. na pala.

     "Papi Dick, naka tulog ako sa library teka lalabas na ako!" agad siyang naglipit ng gamit, na ngunot pa ang nuo niya ng mapansing may hawak na siyang panyo, wala sa loob na binitbit niya nalang ito palabas.
    
     "Nasaan na ba yon?" na halungkat na lahat ng gamit ni Rid sa kuwarto, ngunit hindi niya parin makita ang notebook na kanina niya pa hinahanap.

    " Yaya Sing, wala ba talaga kayong nakita na notebook?"
  
     "Wala talaga eh, baka na hulog mo Princess? " natigilan naman si Rid sa sinabi ng yaya niya.

     " Hindi pweding mawala yon yaya nandoon din yong mga isinulat kong kanta eh!"

     Rid also loves music, hindi dahil sa hilig din ito ng kambal, ngunit dahil it's calling her.

     Her mom loves it too, yon ang sabi ng Yaya niya. Kaya mukhang sa Mommy niya na mana ang pagka hilig sa musika.

      Making music, sa lahat ng ginawa niya sa buhay ito lang ata ang pinaka siguradong-sigurado na gusto niya. It makes her really happy, it gives her comfort at feeling niya with music she can be with her mother.

    Dahil sa frustations ay padabog siyang nadapa sa kama niya. Nalulungkot siya, agad siyang bumangon at tinungo nalang ang music room niya na nasa loob lang rin ang kuwarto niya.

     She can play different kinds of musical instruments from piano, guitar, drums and violin.

    Pero yong pinaka favorite niya ay ang pag gamit ng bass guitar. Gustong-gusto kasi niya ang tunog nito.

    Naupo siya sa kanyang swivel chair, inabot ang head phone at sinimulan na niyang paglaruan yong strings ng guitar niya.

    Dito din siya nag rerecord ng original composition niyang kanta. Well equipped and sound proof naman ito kaya malaya siyang na kaka pag ingay.

*******

   "Haha! mukhang deads na deads tong stalker mo sayo tol ah!" ang pang aasar ni DJ sa kakambal niyang si DM habang aliw na aliw niyang binabasa ang notebook na napulot.

    "DM's favorite food- fried chicken? favorite juice-buko juice? favorite color-white? Ahahah! like seriously? Ikaw ba to?" na ngunot na ang nuo ni DM habang halos ma patay-patay naman sa tawa si DJ.

    Tumigil na sa pag sisit ups si DM at nilapitan na ang kakambal, habang nag pupunas ng pawis ay napa sulyap na din siya sa notebook na hawak nito.
   
     "Hahahah! Kailan ka pa nahilig sa fried chicken? kumusta naman yong allergy mo nito tol? and buko juice? hahah buko juice your face! favorite color white daw? baka dahil nursing ka white yong uniform eh! hahaha!" kantyaw na naman ng kambal niya.

       Kinuha na niya ang notebook at binasa ang iba pang naka sulat.

   "Ikaw naman pala ang ini-stalk at hindi ako, eh favorite mo lahat ng naka lista diyan eh!" natigilan naman sa pag tawa si DJ.

    "Hindi ah! DM nga ang naka sulat eh! nalito lang siguro siya, don't worry tumana naman siya dito sa favorite pet mo eh- pussy Cat! haha!"

   "Sira! sayo din yan, dog yong sa akin! hahah!" na uwi nalang sa tawanan ang asaran ng dalawa.

Stalking the StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon