Chapter 2

3 0 0
                                    

    

   "Good morning Yaya!" ang masayang bati ni Rid sa kanyang pinaka mamahal na Yaya Sing, na gulat pa ang matanda ng bigla itong yumakap sa likod niya.

   "Good morning Princess! Aba-aba mukhang maganda ang gising mo ah!"

    " Syempre po! Monday eh!" maaga siyang nagising, well actually hindi talaga siya naka tulog ng maayos magdamag ba naman niyang titigan ang mga litrato ni DM na nakuha niya kahapon, sa sobrang kilig ay inumaga na siya.
    
       Kahit wala masyadong tulog ay full of energy parin siya dahil makikita na naman niya ang crush niyang si DM ngayon sa school.

    "Good morning Papipis!" masayang bati din niya habang naka peace sign pa siya.

    "Good morning Princess!"chorus pa ng lima, Princess ang tawag nila kay Rid, dahil noong bata ito madalas silang maglaro ng prinsesa-prinsesa at Papi Prince niya daw ang mga personal body guards niya.
    
      Naupo na ang mga ito para kumain, pag nasa bahay din si Rid ay sabay-sabay silang kumakain, lahat ng katulong, hardinero, driver, personal at guards ng bahay nila. Ito kasi ang gusto ni Rid, maliban lang kung umuwi ang Daddy niya, lahat takot pati siya.

      Matapos kumain ay nag madali nang tumayo si Rid, sumunod narin ang Papipis niya.

     "Bye yaya Sing see you later!" mabilis niya pa itong hinalikan sa pisngi bago lumabas.

     Agad na siya tumungo sa garage para kuhain ang service niya.

     "Princess!" mahinahong tawag sa kanya ng Papi Dick niya ang tumatayong leader ng Papipis, nang makita nitong kinukuha ang service na bike niya.

     "Papi dito na ako please!" nag puppy look pa siya, napa lingon pa ang Papi Dick niya sa mga kasamahan, pag ganito na ang mukha ng Princess nila ay talo na talaga sila.

      Bumuntong hininga muna ang Papi Dick niya bago ito tumango.

   "Alright! Just be careful Princess!"

   "Thank you Papipis! I loooove you all!" malapad ang ngiti niya ng sinimulan na niyang mag pedal.

   Sumakay narin ang Papipis niya sa service nitong kotse. Napa kamot nalang ng ulo si Manong Berto ang personal driver ni Rid, dahil mukha wala na naman itong tratrabahuin ngayong araw.

    Masayang nag ba bike si Rid papuntang school, habang nang lumbaba naman ang mga Papipis niya na naka buntot sa likod niya.

   "Hindi kaya tayo mawalan nito ng trabaho?" wala sa loob na natanong ni Papi Lito ang isa sa mga personal body guards ni Rid na nakatokang mag drive ngayon.

   "Tignan niyo nga naka  bike lang yong Princess natin, samantalang tayo di kotse pa?" dugtong pa nito nagka tinginan pa silang lima, at sabay sabay na napa buntong hininga.

   "Haaay!!"

   "Hayaan mo na, as long as she's safe and happy! " sagot ni Papi Dick habang matamang naka bantay sa bawat pedal ng alaga.

    Umabot sa school sila Rid na walang aberya, agad siyang nag park ng bike niya, tumabi narin ang sasakyan ng Papipis niya, at gaya ng dati katulad ng napag kasunduan nila, walang dapat maka alam na personal body guards niya ang lima.

       Noong elementary kasi ay madalas siyang na bubully kasi palagi daw may mga goons o di kaya natatakot niya ang mga kaklase niya dahil palagi nalang may nakabuntot sa kanya dinaig pa daw niya ang libingan ni Rizal sa Luneta park na may 24 hours na bantay.

     So para iwasan na maulit iyon her Papipis should keep their distance, hanggang tingin lang sila sa malayo.

     She's wearing their Marine type A uniform, white slacks and blouse typical marine suit. Sa school she is just an ordinary college student, nobody notices her except of course sa mga classmates niya.
   
     Samantalang yong kambal naman ay kilala not only because their family are the major stock holders ng school but partly because of their looks and talents, they are also into modeling kaya marami ang nakakakilala sa dalawa.

Stalking the StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon