Chapter 9

0 0 0
                                    

Formal suit / Gown competition...

   Muntikan nang masamid sa ini inom ng tubig si Ash ng lumabas mula sa dressing room si Rid.

   She look stunningly beautiful on her black ball gown, pa tawa-tawa pa ito habang kausap ang hair stylist at make-up artist niya.

   Napa ngiti naman si Rid nang ma kita niya si Ash.

   " Oh here comes your over protective boy friend!" bulong sa kanya ng bakla ng makitang kunot nuo naglalakad papunta sa kanila si Ash.

    Agad naman siyang napa lingon sa sinabi ng bakla.

   "Boy friend - I mean kaibigan na lalaki?? diba?!" pag lilinaw nito ng titigan siya ni Rid.

   "Ok mabuti ng malinaw, mahirap na at baka may makarinig sayo, umabot pa sa girlfriend niya doon sa States at tudas tayong dalawa!"  ganting bulong din ni Rid.

   "Well, duda ako diyan sa girlfriend niya ah! baka naman IGF lang yan!"

   "IGF?"
 
   " IGF, imaginary girl friend! hindi mo alam yon?" sagbat ng isang bakla.

   "Paano naging IGF? tumigil na nga kayo!" sita niya, natahimik narin ito ng nakalapit na sa kanila si Ash.

   " What the hell? bakit ganyan ang gown mo safe ba yan???" bungad nito, natawa pa ang ilang mga candidates na nakarinig sa kanya.

    Nang makitang mga beads nalang ang tumatakip sa dibdib ni Rid, open na open rin ito sa likod hanggang bewang niya.

   "Ssshhh!! Ash ang ingay mo!" sita sa kanya ni Rid.

  " Don't worry Ash, look may transparent na cloth naman kaya siguradong hindi siya mahuhubadan." paliwanag ng bakla.

    Napa silip pa si Ash sa itinutukoy nito. Hindi kasi nakikita sa malayo ang inner cloth nito, kaya lumalabas na beads lang ang naka takip sa dibdib nito. Na alarma tuloy siya.

   "Ayusin niyo yan baka masilipan si Rid niyan!"

   "Don't worry safe nga ito, kaya sana walang 'operation balot' mamaya ha?!" sabay namang natawa sina Rid at ang dalawang bakla.

   " I can't promise that!" tipid na sagot nito at agad nag martsa pabalik sa inuupuan kanina.

     Agad naman siyang siniko ng bakla.

    "Girl, he likes you nga!" bulong pa nito.

    "No way! ganyan lang talaga siya!" pag tatanggol naman ni Rid.

    " I doubt it!" ani pa ng isa.

     Napa buntong hininga si Rid, habang matamang nakapila na sa gilid, nasa kabilang entrance din si Ash.

    They are just waiting for the go signal ng staff, for their turn.

    Nag puppy look siya kay Ash, kaya natawa ito,  wala ng kaba-kaba sa kanya dahil mas naramdaman na niya ang pagod ngayon. Sumasakit narin ang binte niya sa kaka suot ng heels.

    They heard a go signal,  kaya sumampa na sila sa stage, gaya ng na pag praktisan, they always meet in the center.

   Nag smile siya ng magpang abot sila ni Ash.

    "You're tired. " bulong ni Ash sabay halik sa pisngi niya.

    Naghiyawan naman ang mga tawo sa ginawang iyon ni Ash.

   Napa smile si Rid, inayos muna ang neck tie ni Ash, bago niya ito itulak palayo.

   "We need to win right?" napa ngiti si Ash sa ginawa niya, at tsaka pumwesyo narin sa dulo.

Stalking the StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon