Chapter 14

0 0 0
                                    


     Tahimik lang nakasakay ng bus pauwi sina Rid at Ash, walang nagsasalita tila nagpapakiramdaman lang.

   Di nakatiis si Rid at siya na ang na unang nagsalita.

  "Aaamm Ash!" pukaw niya.

   Agad itong napa lingon sa kanya, napa sulyap din ito sa gitara na kandong niya.

   "Kasali ka ba sa banda?"

   "Hindi, sasali palang sana, pero hindi na ngayon!" napa lingon naman siya sa bintana.

   "Ikaw, kasali ka ba sa banda?"

   Napa ngiti si Ash sa tanong ni Rid.

   "Sasali rin sana, pero hindi na ngayon!"

   Nagtawanan nalang sila.

   "Dahil ba sa kambal?" biglang nag seryoso ang mukha ni Ash.

   "Ha??? ah eh...!!"

   "I know that you've been stalking them for years Rid." nanlaki ang mata ni Rid sa gulat, napa ngiti pa si Ash nang makita ang reaksyon sa mukha nito.

   "Ta-talaga? Pa-pano mo nalaman?"

   "Secret! Mauna na ako!" piningot muna ni Ash ang ilong ni Rid bago tuluyang bumaba ng bus.

   Naiwang naka maang si Rid, hindi parin makapaniwalang alam pala ng kaibigan ang mga kalukuhan niya.

   Nagbabad sa library si Rid kinabukasan, natigil lang siya ng makaramdaman na ng gutom.

   "Oh! nandiyan na pala si Rid!"

  "Rid! Rid! dito!" malayo palang ay tanaw na niya ang mga kaibigan na naka pwesto na sa canteen.

   Agad siyang napa ngiti ng makita ang mga ito.

  " Ba't parang hindi naman ata naka uniform yong iba?" tanaw niyang hindi naka uniform ang ibang kasama nito.

   She is wearing their type B uniform, white marine blouse and black skirt. Nilugay lang din niya ang kanyang buhok. Kahit walang make-up ay agaw pansin parin ang beauty niya lalo na't kaka panalo palang niya ng beauty contest sa school nila, kaya marami na ang nakakakilala sa kanya.
    Nagmadali siyang naglakad papunta sa inuupuan ng mga kaibigan niya, nang biglang may napansin siyang kakaiba. Napakurap pa siya ng maigi ng tignan niyang mabuti ang mga kasamahan ng kaibigan niya.

   "Rid! Rid! Halika ka na!" tawag ni Tristan.

   Tuluyan nang napa takip ng bibig si Rid ng mapagtanto kung sino ang mga kasama nito.

  "Oh my! Bakit kasama nila sila?"

  Agad siyang napa atras at mabilis na tumakbo palayo.

  "Oh!? Anong nangyari doon? ba't parang nakakita ng multo?" si Josh.

   Subalit di paman siya tuluyang makalayo ay nasamid na si Rid at natumba.

   She forgot that she is wearing a pencil skirt pala.

   Sa laki ng mga hakbang niya ay bumigay ang palda niya, rinig niya pa ang pagka punit nito sa likod.

   Sinubukan niyang tumayo pero mas lalong napupunit ang skirt niya.

   "Oh my gad! bakit ngayon pa---?"

   "Don't move! " napa tingala siya, gusto sana niyang magpumiglas subalit tumigas na siya ng makita ang nagliliyab na mata nito.

  Napa igking pa siya ng biglang ibinalot sa kanyang bewang ang jacket nito at walang ano-anung binuhat siya.

   " Teka!? what are you doing? put me down!" apila niya at sinubukan pang magpapadyak padyak.

Stalking the StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon