"Oh ang aga niyo naman ata ngayon?" nagulat si Manager Ed ng pag pasok niya sa kanyang opisina ay maayos ng nakaupo ang kambal DM & DJ at si Angelo.
"Excited?" naka ngiti pa ito.
Alas diyes ang kanilang usapan, pero 9am. palang ay nandito na ang tatlo.
Ngayon kasi ipapakilala ng Manager nila ang kanilang bagong bassist at pianist.
"Can't wait!" bored na sabi ni DJ.
"Ahahah!! Don't worry they are worth your wait!" ani ng Manager.
Nagkibit balikat lang si DM at Angelo.
Lumipas na ang ilang minuto, napapa hikab na si Angelo sa kakahintay.
Nakatukod narin ang kamay ni DJ sa baba niya nilalabanan na ang antok.
Namumula-mula narin ang mata ni DM sa kakalaro ng phone, pero wala parin ang hinihintay.
"Wala pa ba sila? 10:30 na ah!" na pa tayo na si DJ sa inis.
"On the way daw, hintayin nalang natin!" ani ng Manager ng biglang bumukas yong pinto.
"Good morning Manager Ed! pasensiya na na-late ako! nawala kasi ako sa building eh!"
Natigilan naman ang tatlo sa biglang pag sulpot nito.
"RID????" duet ni DM at DJ. Napalingon naman sa kanila si Rid.
Napa atras pa siya at nanlaki ang mata ng makita ang kambal.
" Anong ginagawa niyo/mo dito?" sabay pa silang tatlo.
Nagpa lipat-lipat naman ang tingin si Manger Ed, mula sa kambal papunta kay Rid. Naguguluhan din ito.
"Teka! teka! magkakilala kayo?"
" No/yes!" sabay na naman nilang tatlo. Napa ngiti na si DM.
"Teka wait! Manager Ed, bakit siya nandito?" si DM.
"Ah siya yong bagong bassist na sinasabi ko!"
"Bassist??" di makapaniwalang tanong ng kambal.
"Oo, siya nga!"
" Teka-teka! bakit babae akala ko ba lalaki?" singit ni Angelo.
" May sinabi ba akong lalaki ang bassist niyo?" napa tangga naman ang tatlo.
" Pero diba boyband to?" si Angelo.
"Hindi na ngayon, na bago na yong concept ng banda niyo!" naka ngiti pa ang Manager nila na tila na pipicture na niya ang magiging itsura ng banda.
"Teka nga! Seryoso ba to?" di makapaniwalang tanong ni DJ, lumapit pa siya kay Rid.
" Akala ko ba tumigil ka na? bakit pati dito sinusundan mo parin kame?"
"Tsk. hindi ko kayo sinusundan!" matapang na sagot ni Rid kay DJ, mata sa mata.
"Tsk! Bassist? ikaw? ha! kami ba niloloko mo? Tayo na nga!" sabi ni DJ sabay dampot ng bag niya.
Sumunod na rin sa kanya si DM at Angelo.
Di paman sila tuluyang makalabas ng silid ay natigil na sila nang marinig nila ang malakas na pagpihit ng string ni Rid.
Agad silang napalingon.
Rid is standing firm, with her electric guitar at hand. She's playing a Cannon rock coolly!
BINABASA MO ANG
Stalking the Stalker
Novela JuvenilAre you a stalker? Do you need any stalking techniques? Or need any stalking advices? If Yes! Yes! Yes! Then you better read this story! 😊 ***************************************** Meet Rid Aboitiz, a Certified Stalker in town! She has been stal...