Rid is still not feeling well, matapos ang ingkwentro nila ni DJ noong nakaraang linggo ay hindi parin nakaka recover ang katawan niya.
"Mataas parin ang lagnat mo Princess!" nag aalalang wika ng Papi Dick niya, matapos tignan ang thermometer.
Iniksamen na siya ng private doctor niya at neresitahan narin siya ng gamot pero hindi parin humuhupa ang lagnat niya.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo Princess, at bigla ka nalang nag kaka ganyan?" alalang -alala narin ang yaya Sing niya.
Wala naman siyang ubo at sipon pero sobrang taas lang talaga ng lagnat niya.
"Wag po kayong mag alala Papipis at Yaya ok lang po ako." hinang-hina niyang tugon.
Tatlong araw na siyang absent sa klase nila, nag text na siya sa teacher nila para ipaalam ang kalagayan niya.
"Matutulog po muna ako Yaya, Papipis!"
Nang masiguro na naka labas na ng silid ang mga ito ay madali siyang nagtanggal ng kumot at bumangon, agad tinungo ang pintuan para e-lock.
Napa sandal pa siya sa likod ng pinto at napa hinga ng malalim.
"I'm sorry Yaya Sing, Papipis ayoko lang naman talagang pumasok eh." agad niyang kinuha ang mga bawang na inipit niya sa kili-kili niya para mag init ang katawan niya, para lagnatin kunwari siya.
Hindi parin kasi siya maka recover sa naging inkwentro nila ni DJ. Natatakot siyang makita uli ang mukha nito sa school.
Nahihiya na talaga siya, hindi niya inaasahan na mahuhuli siya sa akto, at mas lalong hindi niya inaasahang sa dinami-dami ng pweding makahuli sa kanya bakit si DJ pa?
Si DJ pa na kakambal ng Papa DM niya? Paniguradong alam na ngayon ni DM na ini-stalk niya ito.
Ano nalang ang iisipin nito sa kanya, sira na ang reputasyon niya.
At ang mas nakakapag pakulo pa ng dugo niya ay ang paghalik sa kanya ng hinayupak na DJ na yon.
Yong first kiss na pinaka ini-ingat ingatan niya sa isang iglap lang ay walang kahirap-hirap na kuha ng DJ na iyon.
"Ang walang modo na lalaki!" bigla naman nag init ang kalamnan niya ng maalala ang pag halik ni DJ sa kanya.
"Yucks! yucks! yucks!" diring-diri na sigaw niya, nagmadali pa siyang tumungo sa bathroom para mag toothbrush na naman.
Mula noong nangyaring halikan nila ni DJ ay hindi lang sampung beses siyang pabalik-balik mag toothbrush.
Sa tuwing na aalala niya iyon ay tumatakbo siya agad sa banyo para mag tooth brush.
"Kadiri! kadiri! kadiri! A-ouch! ouch!" dumudugo na ang gums at halos mapunit na ang labi niya sa kaka toothbrush.
Sa loob ng ilang araw na nag sakit-sakitan siya ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang mag toothbrush nalang ng mag toothbrush!
Matapos mag toothbrush ay tumalon na siya sa bed niya.
"Mukhang masisiraan na ako huhu! ang sakit-sakit na ang ipin ko!" napa taob na siya.
"Bakit ba kasi nalalasahan ko parin ang bibig niya?" ma ngiyak-ngiyak na siya, napapadyak-padyak narin siya sa inis.
Kailangan na niyang umayos, bukas na yong assessment nila ni hindi pa nga siya naka review ng matino dahil distracted talaga siya.
BINABASA MO ANG
Stalking the Stalker
Ficção AdolescenteAre you a stalker? Do you need any stalking techniques? Or need any stalking advices? If Yes! Yes! Yes! Then you better read this story! 😊 ***************************************** Meet Rid Aboitiz, a Certified Stalker in town! She has been stal...