Tatlong taon na ang lumipas,
Ng tayo'y maghiwalay.
Pero yung pag ibig ko sayo bakit hindi parin mamatay matay?Tatlong taon na, hindi pa ba magaling?
Bakit puso ko sigaw ay ikaw parin?Tatlong taon na, hindi pa ba sapat?
Upang maghilom ang lahat ng sugat.Tatlong taon na nagsanay na mag isa.
Ngunit bakit ganun? Hinahanap hanap parin kita.Tatlong taon na ngunit bakit hindi parin nabubura?
Mga alaala nating dalawa na sadyang kay saya.Tatlong taon na magmula nung ako'y maging malaya. Ngunit puso ko'y nananatiling nakakulong sayo sinta.
Tatlong taon na nanagtatanong,
Bakit puso ko'y sayo parin nakatuon.Tatlong taon na ring nagtataka, nagtatanong.
Ngunit hindi alam ang totoong sagot.Mahal? May pag asa pa ba?
Kung ako'y babalik pa?Sana'y meron pa rin.
Upang ika'y bumalik rin.Sana'y parehas lng tayo ng dinidibdib.
Tulak ng bibig kabig ng dibdib.Sana'y hindi ka magsinungaling.
Na sa puso mo'y ako pa rin.Basta ako..
ang alam ko...Tatlong taon na rin nang marealize ko ang totoo.
Na mahal kita talaga
Ayan ang totoo!
Hindi kita kayang mawala sa buhay ko.Kaya pakiusap bumalik kana sinta.
Pinapangako ko
Hindi ka na muling luluha.
At tayo'y mamumuhay magkasama ng puno ng saya.Kasi mahal..
TANGGAP KO NA. :)