Maganda, matalino, mabait ano paba?
Parang 3 in 1 cofee, nasakaniya na lahat ng tamang timpla.
Kaya naman lab na lab ko siya.
At sa puso ko siya lang ang nagiisa
Kahit na siya ay may hinihintay ng iba..Pogi, matalino, mabait ano pa ba?
Parang "nasayo na ang lahat" na kanta ni daniel padilla.
Aba girls, full package na.
Kaya naman lab na lab ko siya.
Kahit na may gusto siyang iba.Kaya lang pareho ang problema ng dalawa,
Hindi nila alam na sila ang tinutukoy ng bawat isa.
At hindi kayang magtapat ng pag ibig sa isa't-isa.
Hanggang kailan itatago ang nadarama?
Ipauubaya nalang ba sa hangin? Na parang bula?Hanggang sa dumating ang araw na napagtanto nilang aminin ang mga tinatagong lihim
Nagulat ang dalawa sa mga salita nilang inamin.
Dahil parehas pala sila ng damdamin.
Kaya mas mabuting umamin kesa maglihim.