Moved on na ako.
Takbo ng utak ko,
Pero ng puso ko?
Iba ang sinasamo.Akala ko okay na ako.
Akala ko mas nakakabuti ang naging desisyon ko.
Akala ko magiging masaya ako.
Akala ko kaya ko.Yun pala'y hindi pa,
Masakit parin pala.
Ang mawala ka sa piling ko sinta.
Kahit di ko naman ginusto talaga.Ilang buwan na ang lumipas pero ngayong huli ko lang napagtanto.
Kapag wala ka pala ay kulang ako.Kailan ba ako huling nabuo?
Nung nandito kapa sa piling ko.
Isa akong puzzle na pilit binubuo.
Kahit alam namang may espasyo dito sa puso ko.Espasyo na para sayo.
Oo sayong sayo lang
Dahil alam kong hindi mabubuo nito kung iba ang magiging laman.Espasyo na naghihintay parin na sabihin mo sa'kin na ako'y iyong mahal parin.
Kaya lang wala na.
Hindi na ako aasa talaga.
Na mapunan pa ang kulang na piyesa.
Na makakapagbuo ulit sa puso kong durog na durog na.Gusto ko ng kumalimot.
Kaya lang di ko magawa.
Pilit ko mang alisin.
Ito'y bumabalik balik parin.Bakit hindi ko makalimutan!
Mga alaala nating nagdaan?Naalala ko pa yung huling araw mokong niyakap at hinagkan.
Hinding hindi ko yun makalimutanMasakit nga lang isipin.
Na ako'y nasasaktan padin samantalang ikaw ay masaya na ng hindi ako inaalala.Ni minsan ba ako'y inalala mo upang balikan pa?
O hindi kana talaga lumaban at ako'y iyong sinukuan na?Ayoko na magisip ng kung ano ano.
Dagdag lang ito sa sakit na nararamdaman ko.
Ayoko namang makigulo sayo
Dahil alam kong kasalanan ko.Pero ito ang sasabihin ko sayo.
Hindi ko lubos akalain
Na magiging ganito parin ako.Mahal pa nga ba kita?
O sadyang ikaw lang ay namimiss ko?
Pero bakit may kirot pa din dito sa puso ko?
Kung talagang nakamove on na ako sayo?Akala ko okay nako.
Yun pala'y masakit pa.
Mali ang inakala ko.
Dahil....Akala ko lang pala.