"Kung magiging bagay ka ano ka?"
Naalala ko pa,
Nung tinatanong mo kung anong bagay sa akin ay ang magrerepresintaNagisip nang nagisip
Hanggang sa maalala
Mapagtanto na isang bola.
Ang kapareha.Naalala ko pa,
Ang kwento nating dalawa
Na nagiwan ng marka
Kaya naisip ko na "oo nga BOLA!"Dahil noon umiikot ang mundo,
Sumasabay ako
Pero hindi sa mundo kundi sa palad mo.Napapaikot mo lang ako sa iyong mga salita.
Wala akong ginawa kundi ang maniwala
Kaya ayan ang napala.
Para nakong tanga.
Pero diyan ka naman magaling diba?
Ginagawa mo akong bola!Kala ko sayo lang ako,
Yun pala'y pag tumagal ako lang ay ipapasa mo.
Sa iba na parang walang halaga.Ganun ganun lang yun.
Ganun lang ba kadali?
Ang ibigay ako sa iba?
Kahit gusto ko sayo manatili?Tila ba ikaw ang lumalayo,
Wala kang ibang ginawa kundi ang tumakbo.
Di mo man lang magampanan responsibilidad mo.
Wala tinakasan mo lang ako.Isho-shoot mo
Para maka puntos?
Tapos kapag andiyan na
Ano? Iiwanan mo?Sobrang sakit na
Pero kakayanin ko pa,
Kasi nga mahal kitaPero sa tingin ko tama na ang pagiging bola.
Ayoko nang paikutin, takbuhan, iwanan at ipasaHanggang dito nalang tayo basketbolista.
-nagmamahal,
Bola.