"Paalam na"

1 0 0
                                    

Paalam na, salitang hindi ko makalimutan ng mawala ka.

Mawala ka,
Sa aking tabi oh aking sinta.
Di ko kinaya,
Kaya tuwing gabi ako'y lumuluha.
At sinasabing

Sana'y di na nangyari.
Mga alaala nating sobrang saya.

Ikaw na nagpapasaya ng araw ko
Bumubuo at nagpapaligaya.
Bigla nalang naglaho at nabura ang salitang tayong dalawa.

Sa isang paalam mo..
Nagunaw ang mundo ko

Nalungkot, nagmukmok, nawalan ng pag asa na sana'y maibalik pa.

Maibalik ang saya na sanay nangyayari pa.

Maaari paba?

Maibabalik ko pa ba?

Hindi, paalam na!
Kakalimutan ko na
Mga pangakong hindi na mauulit pa.

Makakaya ko pa nga ba?
Ngayong wala nang nagpapaligaya?

Tatahakin ko nalang tong mag isa.
Ngayong kaya ko na.

Masaya ako para sayo.
Sana'y magtagal kayo.

Pero nasasaktan talaga ako ng husto.
Nang malaman kong may iba ka ng gusto.

Salamat nalang,
Ngayong alam ko na ang totoo.
Na hindi na pwedeng maging tayo.

Pasensiya ka na.

Nagmumukha na akong tanga..

Kaya paalam na. :)

Unspoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon